Friday, September 07, 2007

Clarity.

I said to Cuz, "Labo kasi eh. Kaya ayoko ng ganito e." She said, "Alam mo, lilinaw rin ang lahat. Soon." So now is the 'soon'. I just didn't think it would be this soon.

Malabo noon, oo. Nalalabuan ako. Ilang beses na akong nalalabuan sa mga bagay-bagay. Pero hindi ko yun inisip. I mean, iniwasan kong isipin yun. Feeling ko kasi sayang ang oras ko kakaisip sa mga ganung bagay samantalang marami akong bagay na mas mahalaga pang gawin kesa dun. Malabo noon, malinaw na ngayon. Ngayon lang. Salamat sa technology.

May use rin pala ang pagsali sa isang community sa WWW, marami kang nalalaman at nadidiskubre. Gaya na lang ng nalaman ko. Ako lang nag-justify, pero parang sinampal sa mukha ko yung info na yun eh.

Malinaw na siya ngayon. Malinaw na naman siya noon e, ayaw ko lang tanggapin. Kinailangan ko lang ng confirmation dun sa taong yun. Kanina lang, nalaman ko.

Hindi naman ako nasaktan. Nalungkot lang ako. Nataon pa sa pag-release ng course cards ko. Badtrip pa naman ako sa dalawang grades ko. Dahilan kung bakit hindi ako masasali sa Dean's List. Ok lang, medyo nags-sink-in na rin siya ngayon. Pero mahirap pa rin. Alam ko kakayanin ko 'to.

2 days na pala akong nandito sa GenSan. Simula nung September 5. Pero parang kahapon lang. Ang bilis.

Well, at least, malinaw na sa 'kin ang lahat ngayon. Hindi na 'ko mac-confuse. Hindi na akong magdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba 'to or hindi na.

Isang experience 'to na madadala ko nanaman sa pagpapatuloy ko sa buhay ko. First time 'to ulit. Madaming first time at first time ulit. Nalaman ko na after how long, kaya ko pa palang maging masaya ulit. Yung mas masaya pa sa kasiyahan ko dati. Nalaman ko na, kaya ko pang buksan ang puso ko. Kasi sobrang takot ako noon. After "the" incident back in 3rd year.. natakot talaga akong mahulog ulit. Na-paranoid ako. Nahirapan akong mag-trust sa tao sa mga ganung cases. Alam kong matagal na ang 2 years, pero ganun eh. Mahirap pag puso na ang pinag-uusapan.

Ayoko na. Tama na. :) Magiging masaya rin ako talaga, someday. Friends kami, ok na yun. At sakanya, I learned to overcome my fear.

Kaya kung binabasa mo 'to ngayon, salamat.

Thank you God. You answered my prayer, once again. :)

-

Blog post was changed due to decisions that I will make my blog publicly announced to everyone I know.

No comments: