Friday, September 08, 2006

New again.

Yoyoyooy. ;p Bagong layout nanaman na I got from blogskins.com. Nagkakaproblema kasi sa haloscan dun sa past template kaya ayun. Ngayon, pwede na kayo magcomment sakin gamit ang Haloscan! Yeyyy! Hehe. Click nyo lang yun sa baba na "c0me on, let me hear you out." ;p I love this layout. Grabe, dami nang magagaling talaga na web and graphic designers. Walang-wala na ko. Waa. Hehe. Okay lang yan, challenge and improvement. :D Pero ngayon, busy kasi sa school. Walang ganong time e. Tama muna tong low profile muna, simple lang at pablog blog. Hehe.

Bukas, we're going to watch El Filibusterismo at UP Theatre. 6:30am dapat andun na! Grabe aga. Absent ako kanina e. Games lang naman meron. Wala namang klase. Di naman ako maglalaro. Pero parehong sa volleyball at basketball may game ang Faith. Nanalo kami sa volleyball kasi forfeit sila. Hehe. Sa basketball, talo. Freedom won. :) Ayuun.

Sige, bounceee na ko. =D
``
I wanna be your lake, or your bay
And any problems that you have I wanna wash 'em away
I wanna be your sky, so blue and high
And everytime you think of me I wanna blow your mind
I wanna be your air, so sweet and fair
So when you feel that you can't breathe, ma I'll be there
I wanna be your answer, all the time
When you see how I put your life before mine
With no question
-take it from here.

Thursday, September 07, 2006

Step up, step by step.

3rd runner-up kami sa Cheerdance competition. Ayun okay lang naman for most of us. Ang badtrip lang para samin na nagexert ng effort para sa batch namin at somehow di mapahiya pag nagperform, e yung mga taong sumali dahil andun yung friend nila at yung mga sobrang pasaway. Simpleng hand movements at formation, hindi masunod at magawa. Magulo. Ang lousy sumayaw. Di man lang ibigay kahit yung kaya nilang ibigay. Effort man lang. Pero dammnn, wala kaming makitang ganun e. Sumali para masabing dancer sila, hindi naman uma-attend ng practice. Dapat, even before they joined, they should've realized that being there and being a dancer isn't just being one and said to be one. Tama ba? Gets? Along with it is discipline and responsibility. In the first place, dapat alam nila yung kakayahan nila. Kung alam nilang kaya nilang gawin yun at kahit papano kayang mag-exert ng effort man lang, edi go sila. Kung hindi, bakit pa sila sumali? Yun lang nakakasama ng loob e. For 4 years, kasali ako sa cheerdancers. Eto, yung last year namin, di man lang namin nabigay at naipakita yung pwede naming ibigay at ipakita. For some certain reasons. Wala man lang disiplina at cooperation. Badtrip. Pero yung sa mga okay naman and alam kong alam naman nila kung sinu-sino sila, tama si Niki, basta na-enjoy natin yung pagperform natin, ok na yun. Pero pagtapos talaga namin nagperform, alam namin, sabog kame. ;p Ako, di ako masaya sa kinalabasan. Pero ganun talaga e. Last hours and minutes kami. Wala na kaming magagawa dun. ;p Galing namin, wala man lang kaming naipanalo para sa batch namin for 4 years. ;p Talaga naman. Eto na yung shot na yun e, di pa grinab. Sheeeyyt. Sabay-sabay kasi lahat ng business. Mga inaasikasong mas importante. To think na 11 days lang kami nagpractice, at least naman may naipakita at nabuo kami. Kahit di namin na-execute ng maayos. Congrats sa Sophomores. Pero alam nyo.. dapat.. haha ;p Congrats sa Juniors! Nagulat kaming mga seniors sa kinalabasan nun e. ;p

Babawi na lang kami sa Dance Competitions at Dance Concert(hopefully) sa end ng year. Next week na daw ang start ng dance club.. training and stuff.

Always busy and still busy. Sana maka-catch ako sa lahat. At sana step by step, mabalik ko yung dating ako na masipag. ;p Hehe. At sana bumalik ako sa top10. Hopefully. Haay. Hopefully. Bumaba kasi ako ng 4 places. Top14 na ko e. Grabe. Grabe talaga. Inaamin ko naman, kasi ang tamad ko talaga nung 1st qtr. Nung 3rd year, hataw ako nyan. Sa recitation, aral talaga, tapos lahat okay. E ngayon.. shoot! Madami pa kong late. Isang late na lang, dude, guidance ako. Kaya im trying my best na hindi maging late. Pero ngayon, wala pa naman. Sana tuloy-tuloy lang. Sana umayos-ayos naman ako.

Hopefully.. hopefully. And I mean that, I really hope that. And with that hope, I work. Hard. And if hard isn't enough, i'd work. Harder. and even harder. Hopefully.. hopefully. I can do it. Manage to do it. Stick with it. Live by that hope. Because I know I can do it. I can do better with what I am doing right now and before. I just need to find myself back. After everything.. after everything that happened.. =)

I know I'd be able to pick the pieces back together, be whole, I just need time. It takes time to. And i'd do it, step by step.


``

di ka ba napapagod, o di kaya'y nagsasawa, sa ating mga tampuhan walang hanggang katapusan? napahid nang mga luha, damdamin at puso'y tigang, wala nang maibubuga. wala na kong maramdaman. kung tunay tayong nagmamahalan, ba't di tayo magkasunduan?..