Friday, March 24, 2006

No more. =D

Time heals broken hearts, and I'm glad that mine did. =D I'm glad that this time came when I can already say 'no more'. No more self-torture! Hehe. I'm glad i got over that stupid. I'm glad that I no longer say that I dared myself to move because I already moved myself. I'm glad I made the right decision. I'm glad that I let go of that stupid. =D I'm glad na lumabas na yung totoo.

Nalaman naming(kasi hindi lang ako) marami pala talagang gago dito sa mundo. And that don't be deceived too much by looks. Akala mo tatahi-tahimik, pero.. sheett, napaka-unbelievable na may gagawin syang ganung bagay. Dba napakamali kung may commitment na ang isang tao tapos may iba pa syang kung anu-anong kalokohan yung may ibang girl na kahit sabihin mo pang cool off sila. Ay, girls pala. Take note: plural yon. Girls na victim lang din sa situation. Masakit sa part ng pareho yun, kasi pano kung na-fall din yung mga girls na linoloko nya? Tapos patuloy pa ring umaasa yung girl na kung kanino sya committed? Months na sya niloloko tapos wala pang alam yung girl. Napakalaking kagaguhan yung ginawa nung lalaki. Di man lang nya clinear yung mga bagay-bagay between sa kanila nung girlfriend nya. Tapos ayaw nya makipagbreak kasi alam nyang sobrang mahal sya nung girlfriend nya? Dba mas masakit kung pinaasa mo pa sya na magiging kayo pa at iniisip nyang magiging maayos pa ang lahat? Ano yon, para pag nawala yung isa may reserve pa syang isa? Di mo naman masisisi kung ayaw nyang mag-isa. Pero mali pa rin e. Dba? May kilala lang naman ako na ganyan yung nangyari. Di nyo kilala syempre. Hehehe. Pero buti naman, nalaman na nung girl. At di nagalit yung girl sa kin kasi di ko nga naman kasalanan. Yung lalake yung nangungulit. Kasi kung alam ko naman na sila pa nung time na yun, ako talaga iiwas e. Eh sabi nung mga friends ko, di na naman daw. Wala rin naman sinasabi tong si gago. Hay nako. Napakalaking kalokohan. Kasi kung kilala nyo lang yun at nakita nyo sya, di nyo aakalaing gagawin nya talaga yung ganung bagay. Sobra. Pero sa kabila non, sobra rin pala sya sa kagaguhan. Tsk tsk.

Eto pa yung kinaiinisan ko, tama bang baligtarin ang storya sa ibang tao? Na ako RAW ang nangungulit?! NAPAKALAKING KALOKOHAN! NAPAKA-KAPAL NG MUKHA!!! SOBRA! Ang ganda ng pakikisama ko sa kanya tapos gaganunin nya ko. Wala akong ginagawa sa kanya tapos biglang malalaman kong ganun. Ano bang problema ng mga ganung tao?! Nakakainis! Sobra!

Pero enough of that, okay na ko. I hope maging okay na ang lahat. Dun sa girl pati yung iba pa. Kasi nakita kong umiyak yung babae e. Sobrang, shet. Mapapansin mo talagang sobrang nasaktan sya dun. Grabe. Bayagan, sampalin at tadyakan na lang natin yung lalake oh? Haha. :p Gawd, sana marealize nya yung mga pinagagawa nya at pagkakamali nya.

Uy, pupunta ako sa Davao bukas! March 25. Di ko lam hanggang kelan ako dun e, siguro 1 week or 2 weeks. :D Yey! Gusto ko nang umalis. Tagal ko nang di nakakapunta dun e. Chaka para ibang environment naman. =)

Another school year ends... =( Mamimiss ko ang 3rd year sobra. =( Sobrang daming nangyari.. the good and the bad. Sobrang mas close kami ng mga friends ko. Superfriends. :D Haayy.. sobrang mamimiss ko to. Last summer of highschool, mehn. Top 10 nga pala ko. Buti na lang bumalik ako ulit sa top 10 kasi nung 3rd qtr. naging top 11 ako e. At least lahat kami pumasok sa honors. Lahat kami, may bunga yung pagpupuyat namin nung finals. Mga cramming moments. :D Pero sobrang mamimiss ko to. =(

Handwriting Analysis ko. :)

Handwriting Analysis


Handwriting Analysis

What does your handwriting say about YOU?

The results of your analysis say:

You plan ahead, and are interested in beauty, design, outward appearance, and symmetry.
You are a shy, idealistic person who does not find it easy to have relationships, especially intimate ones.
You are affectionate, passionate, expressive, and future-oriented.
You are a talkative person, maybe even a busybody!
You enjoy life in your own way and do not depend on the opinions of others.

Monday, March 06, 2006

So Sick. =c

Pakkkk! Bwiset. @#$%! Bakit ang sakit-sakit ng nararamdaman ko ngayon? Puttttteekk. It's not supposed to be this way. It's not supposed to feel this way. Shhhhhhheettt. Naiinis na ako. Sana bakasyon na talaga. I so so hope that it's already vacation time. =c Matapos lang ang week na 'to. Ayos na rin. At least, less worries. Less things to think about. At least worth it yung worries for this week kasi for school yan e. Grades. Pero yung isang bagay na lagi kong iniisip? It's not even worth it. And I can't figure out why I can't get out of my fckkeenn system. Actually, it's not an it. You know what I mean. =) Bakit pa kasi e... bakit paaaa. I hate this. I hope I really really soooo hope that I can get this thought out of my system even just for this week. For the moment. Or even, maka-move na. I'll dare myself to move. I should dare myself to move.

Maganda yung may mga ginagawa ka para di mo yun maiisip. Pero when you're done doing some thing, the pain is back. The feeling is back. Parang after you've been in your own world doing your own thing, you come back to reality. Masakit nanaman. Tangna. I so so hate this.

Sorry po sa mga words. Sobrang... alam nyo yun. =c Sakit-sakit. Like you want to escape. Sheyttt. Pero life has to go on. In time rin... sana. Ugggggggghhhhh! Bwisseet.

so sick of love songs, so tired of tears. so tired of wishing you were still here..

Wednesday, March 01, 2006

Haay. Tapos na ang foundation day namin ngayon lang. Habang kinancel yung classes last Friday, kami nasa school dahil fair nga namin. Then, cancelled nung Saturday and Sunday so na-move ng Monday and Tuesday. Pero, kinancel ang pasok nung Monday dahil nga yung nangyari sa military ewan. Yun basta alam nyo naman siguro yun. :) Hehe. So na-move ulit ng Tuesday, Wednesday. Tapos every after ng foundation day, kinabukasan walang pasok dapat. PEROOOOO..... May pasok bukas! Wahh! Di pwede yun! Tsk tsk. Hayy, ayoko ngang pumasok e. Sabi nga nila, for sure daw konti lang papasok bukas. E kaya lang, unit test sa English. Solution? Pwede namang mag-special exam. =D May periodical sa Speech namin! Solution? Pwedeng mag-half day since after lunch naman yun. O dba?! Pero ewan ko, di ko pa alam. Pinag-iisipan ko pa. =)

Dance contest kanina. Juniors represent! Nung Saturday, Sunday, Monday, Tuesday... na walang pasok yung iba e nasa Convergys kami nagppractice lang ng sayaw sa Groove since may friend sila dun. 5 kami sa group -- H Crew! Walang maisip na name e. Kaya "H Crew" na lang. =p Since ang Juniors ang start na letter ng sections ay "H". Si Nikita, Nancy, AJ, AK at ako. Si AK lang yung naiibang section. Pero hayup, galing yun. Streetdance contest kasi. Harlem. Ganun. Sinayaw namin "Drop" by Timbaland. Yung sa You Got Served yun e. Ayonnn.. okay naman. Astig daw. Di kami makapaniwala na 1st place kami. Wahaha. At least, our practices all paid off. Cash prize: 2,500 Php. 5 kami so 500 each. O dba? Pwede na! Hehe. Proud kami na Juniors. Suot namin, yung suot ng boosters ng cheering competition. Nanghiram lang kami. Color blue shirt na may "J". Tas sigawan sila lage. Bwisit, natatawa ako tuwing tumitingin ako kila Ryan, Myca, Francel, Jhem... basta sila sila mga friends. Mga timang, pinagtatawanan ako. Haha. Lagi naman akong pinagttripan ng mga yon.

Mamimiss ko yung times na lagi kaming nasa Convergys. Tas every after ng practice, kumakain kami sa Tapa King o di kaya tambay muna sa Starbucks. :) Malapit na ang end ng school year. Ayoko pang umalis ng 3rd year. =( wah. Pero ganun talaga.. we need to move on. Time flies. And we can't make it stop.