Haay. Tapos na ang foundation day namin ngayon lang. Habang kinancel yung classes last Friday, kami nasa school dahil fair nga namin. Then, cancelled nung Saturday and Sunday so na-move ng Monday and Tuesday. Pero, kinancel ang pasok nung Monday dahil nga yung nangyari sa military ewan. Yun basta alam nyo naman siguro yun. :) Hehe. So na-move ulit ng Tuesday, Wednesday. Tapos every after ng foundation day, kinabukasan walang pasok dapat. PEROOOOO..... May pasok bukas! Wahh! Di pwede yun! Tsk tsk. Hayy, ayoko ngang pumasok e. Sabi nga nila, for sure daw konti lang papasok bukas. E kaya lang, unit test sa English. Solution? Pwede namang mag-special exam. =D May periodical sa Speech namin! Solution? Pwedeng mag-half day since after lunch naman yun. O dba?! Pero ewan ko, di ko pa alam. Pinag-iisipan ko pa. =)
Dance contest kanina. Juniors represent! Nung Saturday, Sunday, Monday, Tuesday... na walang pasok yung iba e nasa Convergys kami nagppractice lang ng sayaw sa Groove since may friend sila dun. 5 kami sa group -- H Crew! Walang maisip na name e. Kaya "H Crew" na lang. =p Since ang Juniors ang start na letter ng sections ay "H". Si Nikita, Nancy, AJ, AK at ako. Si AK lang yung naiibang section. Pero hayup, galing yun. Streetdance contest kasi. Harlem. Ganun. Sinayaw namin "Drop" by Timbaland. Yung sa You Got Served yun e. Ayonnn.. okay naman. Astig daw. Di kami makapaniwala na 1st place kami. Wahaha. At least, our practices all paid off. Cash prize: 2,500 Php. 5 kami so 500 each. O dba? Pwede na! Hehe. Proud kami na Juniors. Suot namin, yung suot ng boosters ng cheering competition. Nanghiram lang kami. Color blue shirt na may "J". Tas sigawan sila lage. Bwisit, natatawa ako tuwing tumitingin ako kila Ryan, Myca, Francel, Jhem... basta sila sila mga friends. Mga timang, pinagtatawanan ako. Haha. Lagi naman akong pinagttripan ng mga yon.
Mamimiss ko yung times na lagi kaming nasa Convergys. Tas every after ng practice, kumakain kami sa Tapa King o di kaya tambay muna sa Starbucks. :) Malapit na ang end ng school year. Ayoko pang umalis ng 3rd year. =( wah. Pero ganun talaga.. we need to move on. Time flies. And we can't make it stop.
No comments:
Post a Comment