March 14, last year high school pa lang ako. Finals namin. Ayon sa aking 2007 planner.
March 15, birthday na pala ni Val ngayon, HAPPY BIRTHDAY VAL! :) Finals pa rin namin.
Fast forward to today..
College ako. Hindi pa namin finals, hindi pa rin magtatapos ang school para sa 'min. Madaming gagawin. Seryoso, sobrang busy these past few days. Actually weeks ago pa sobrang dami nang gagawin. Ngayon ko lang na-realize. Tipong ayoko nang humarap sa computer kasi hindi ko na magagawa yung mga iba kong gustong gawin, like movie marathons, TV watching, kulitan with my family, and stuff like that. Kapag nasa harapan kasi ako ng PC, nagiging anti-social ako. Pag may ginagawa ako dito, super focused talaga. Kaya nasisira mata ko e. Haha. At hindi na ako makatayo sa kinauupuan ko. Swear, ganun. Pero hindi pwedeng hindi akong humarap sa PC. Dahil MMA ang kurso ko at forever computer-related ito. Kelangan ko ring i-check araw-araw ang mail ko, ang online shop namin, ang multiply ko(dahil napag-iiwanan na ako, marami pa rin akong hindi nauupload), ang friendster ko(dahil ayoko naman na late reply sa comments), at ang blog ko.
Buti Friday ngayon, nakanood ako ng TV. Napanood ko ang ending ng Marimar. Grabe yun oh, pinagkagastusan talaga. Ang pretty talaga ni Marian Rivera. Haha. Anywayyyy, nagpunta ako dito sa PC para i-edit yung remaining pics nung batchmate ko dati na debut sa 28th. Para wala nang dagdag pproblemahin. Ma-stress pa ako e. LOLz. Pero hindi ko pa rin siya ginagawa. Uh-oh. Dapat kasi natutulog na rin ako ngayon. Kasi maaga pa ako bukas dahil may practice kami for our P.E. Dance on Monday na Tango. And magppractice na rin kami for our Finals which is HIPHOP! Ohyea! I so missed dancing this kaya sobrang natuwa ako nung nalaman kong yan ang finals namin! Hehe. Tapos after the practice, we're gonna continue the shoot for Jamila's debut. This time, video naman. For the last few weeks kasi, puro photoshoots. So video na gagawin namin ngayon. Then yung classmate namin nung high school said na baka may celebration yung kaklase namin ng birthday niya. Di pa namin alam kung meron.
Then on Sunday, my barkada and I will have another bonding moment at TriNoma. We're gonna watch Step up 2, lunch then ayun. We planned on having this every month just to keep in touch. But I said hanggang 4pm lang siguro kasi Palm Sunday at syempre magsisimba kami dba.
Aside from that, meron pang PHILOMA(Philosophy of Man) project na is-shoot, FILIP13(Retorika) song adaption(lol, we chose With You by Chris Brown, my blockmate already made the lyrics), Business Math quizzes to worry about, World Literature classes(pinoproblema namin ang mga stories at poems, oo. haha), COMSK2x(Technical Literature) multimedia resume and project proposal, and uh.. yeah. I think that's pretty much it. It's a lot, I tell you. Plus the Course Approval thingy pa pala! Di pa approved yung enlisted subjects ko kahit na napasa ko na yung requirements sa academic adviser ko. Oh well. Tapos ano pa ba.. basta, yan. Hectic. So, sorry if hindi ako nakakadalaw sa mga blogs niyo. Malapit na rin ang end ng classes(yeah like April 19) so busy talaga. Pero I'm not stressing YET. I hope I won't! Oh well.
I guess all of us are busy. Some update lang. Naaliw ako sa journal na ginawa namin for Filipino for almost a week, everyday! Ayos din pala ang may entry araw-araw. Pero siguro for myself lang? Haha. Wala lang, baka ma-trip-an ko sometime. Good thing there's the Holy Week break! almost 4 days of break. Pero marami pa rin akong gagawin kahit break. Like go to church, celebrate the Holy week and academic stuff. Yeah.
good luck sa 'ting lahat. :) random stuff lang. thanks for those who dropped by! :)
No comments:
Post a Comment