At last, they told me.
Lilipat kami ng bahay. Mas malayo, sa Fairview na. Malaki raw. Ang mga kwarto namin malaki, lahat may banyo. May terrace, may mapagpapractice-an ng sayaw, at lahat lahat na. Nung nakita raw ng kuya ko, isa lang raw nasabi niya, mansion.
Dun pala sila pumunta kanina, habang ako naghihintay sa Convergy's para sunduin nila. Galing ako ng TriNoma kanina then my friend dropped me off there. Sabi tumambay muna ako ng Starbucks, pero dahil naisipan kong wag na lang dahil mapapagastos nanaman ako, sa Ministop na lang. Matagal e, kaya naglakad na lang ako pauwi. Tutal kaya ko naman. Akala ko nandun si kuya, pero nalaman kong magkakasama pala silang lahat.
Grabe. Grabe talaga.
Nagsimba kami dahil Palm Sunday. After, we went to Pancake House sa Convergys. There, they told me. At last.
Hindi ko alam bakit hindi nila agad sinabi sa akin. Hindi ko malalaman kung hindi dahil sa kuya ko. Sinabi lang niya na 'wag ko ipaalam kila Mom na sinabi niya sa 'kin. Bakit ayaw nilang ipaalam sa akin? Bakit ayaw nilang malaman ko? Even if malalaman ko rin naman in the long run?
Ganun naman lagi eh. It seems like I don't have any right to know what's happening? Am I not part of the family? Because, really, everyone knows but me! And you know how much that sucks? It sucks big time. And my dad was saying that I am innocent? Grabe. He doesn't know that I know then. I may not know everything that's happening but I am not stupid to not have any clue on what are they doing. They make me look like I'm stupid. I just wanted them to tell me. Everytime I'm there, they're not talking about it. If I'm not there, they talk a lot. It's painful. It feels like they don't want me to grow up. And maybe they thought I would not understand. I will be so disappointed if that will be their reason. I am so disappointed that they think of me that way. Maybe they don't really know me. Grabe.
Now, that's fine with me because they already told me. Even if it took so much time before they told me. Okay the house is big. I've always dreamt of a house big enough for me. I should be happy and be jumping up and down now. But I'm not.
Lilipat rin daw ako ng school. Sobrang nagulat ako dun. Hindi ko alam kung nagbibiro sila o hindi. Hindi ko alam kung sobrang tuloy o hindi. Pero that trigerred me to just blow up and cry right then and there at Pancake House. But I held it back, I don't want them to see me cry and I don't want people to see me cry really hard there. Hindi na lang ako nagsalita. Gusto nila akong lumipat either UP or Ateneo(my bro said this). Mas okay di ba? Pero hindi eh. Tinanong ako ng dad ko kung matataas daw ba ang grades ko. Tapos mag-inquire din daw kami sa UP about transferring. And other stuff like that. Natulala na lang ako. Wala akong masabi. Maiyak-iyak na ako. Alam kong mas okay, pero... hindi talaga e. Walang MMA dun. Gusto ko sa MMA. I don't want to leave my CSB friends. CSB has been my turf. It's where I am happy and comfortable with. My friends are superb and I am very lucky to have them in my life. Akala ko okay na lahat when I told them na dun ko gusto mag-aral. Akala ko wala nang mangyayaring ganito. But really, life plays with you when you least expect it.
You know, I never imagined myself to be in CSB and taking up MMA then because it's far from where I live. But now that I'm there, I don't want to leave anymore. It's where I now imagined myself to be in for the next 2 or 3 years. Nung nalaman ko yun, parang lahat ng yun, biglang naglaho. It all shattered into pieces. My dreams, my heart, everything. Every little thing I imagined, every dream I had, every bit of myself was just shattered.
Kung alam ko lang na mangyayari 'to, edi sana hindi na ako nag-aral dun dba? Edi sana hindi ko na lang pinaglaban 'to. Sayang naman yung tatlong terms ko. Kung ayaw nila kung nasaan ako, kung ayaw nilang umalis at lumabas ako, kung nahihirapan sila, sabihin nila. Dahil ayoko ring nahihirapan sila dahil sa 'kin. Kaya ko naman e.
Lahat may paraan.
Sabi ko na nga ba dapat kumuha na lang ako ng scholarship noon. Kung dahil sa tuition, dahil alam kong napakamahal talaga at tri-sem pa, may paraan naman para diyan e. Scholarship. Naging open naman ako sa kanila about dyan, sabi nila okay lang. Okay lang na hindi kumuha, okay lang kung kumuha. Kung dahil sa layo, may paraan pa rin, commute! Hindi nila kelangang araw-araw akong ihatid at sunduin sa school. Kasi kakayanin ko namang mag-commute e. They just won't let me kaya iniisip ko rin na hindi ko kaya. I was willing to commute. I was willing to do everything just to be in CSB. Tapos ngayon, ganito? Sana hindi ko na lang talaga pinaglaban. Kasi in the first place, I knew na gusto talaga nila na sa UP ako mag-aral. Pero sorry hindi ako nakapasa. Akala ko kakayanin kong iwan ang CSB para sa UP. Pero hindi e.
Dapat maging masaya ako na malaki na ang lilipatan naming bahay. Pero hindi ako masaya. Aanhin ko ang malaking bahay kung hindi naman ako masaya? Mas mahalaga sa akin kung saan ako masaya. Mas mahalaga sa akin ang pangarap ko. Walang ibang nago-offer ng MMA kundi CSB lang. May APC rin naman pero malayo rin yun. Ganun din. Alam kong maraming alternatives, maraming pwedeng gawin. Pero hindi eh, hindi talaga. Kasi MMA ang gusto ko. Fit na fit sa 'kin yun e. Lahat ng gusto kong gawin nandun. Pwede akong mag-Information Design sa Ateneo, e ano, mas mahal naman ang tuition! Pwede akong mag-CommArts sa UP, pero ayoko ng CommArts. Hindi niyo siguro ako maiintindihan kasi wala kayo sa pwesto ko pero eto nararamdaman ko e.
Hindi ko alam anong gagawin ko. Kasi hindi ko maiwasang isipin na magiging selfish ang dating ko pag ganito, pag sarili ko lang ang iisipin ko. Alam kong nahihirapan sila, pero nahihirapan din ako. Mga kapatid ko ayos lang sa kanila e. Bakit? Kasi graduate na silang lahat! Yung kuya ko, ggraduate na ngayong March. Ako na lang natitira. At lahat naman sila nagwwork sa business namin. Kasi dun nila gusto. Pero may iba akong gusto e, may iba akong pangarap. May iba akong gustong gawin. Hindi ako magaling kumanta o tumugtog ng instrumento, pero mahilig ako sa musika. Hindi ako magaling sa sounds at lighting, pero marunong akong mag-appreciate. Hindi ako katulad nila. I didn't turn out to what they expect and what they want me to be. Because I have my own mind, own dreams, own thinking. Shouldn't they be proud that I know what I want and what I want to be? Shouldn't they be proud that I am capable of deciding for myself?
Sayang e, nandito na ako, aalis pa ako.
So tell me, am I being selfish? If I tell them this, am I being selfish?
A lot of questions are running through my mind. Gusto kong malaman ang mga sagot. Hindi ko alam anong gagawin ko ngayon. Nalulungkot ako. Naguguluhan ako.
Anong dahilan? Bakit nangyayari 'to ngayon? Bakit nangyayari 'to? :((
No comments:
Post a Comment