Our exams are finally over. Uhmm, recaps:
1st day [October 12]
Filipino: It was easy. I think this is the easiest of all exams. lol. May binasa kaming tula, ganda nga nung tula e. About love. Cute. Nagustuhan naming lahat yung binasa namin yun. =D
English: It was okay. But there's one test there na sobrang nakakasakit ng ulo. Haha, gulo kasi e. Feeling namin may kulang kulang dun sa sentences or may typo. Fill in the blanks yun, ic-complete namin yung paragraph tas pipili kami dun sa box ng answers. Dun ako nagtagal, yun lang.
2nd day [October 13]
T.L.E.: Okay lang rin. Haay, nakakalungkot lang[pero di naman masyado-- ayus lang].. kasi nung 1st qtr. mataas ang score ko sa unit test and perio exam e, pero ngayon, eewaann koo. Bumaba ako. =(
Math: Okay lang.. seryoso ako dito. Hehe. Mababa ang 2nd summative test ko e: 76%! Tsskkk. Pero may naka-99% sa min dun sa test na yowwn. Syempree, mathematician e[hehe, joke lang Nanccyy]. Sana katanggap-tanggap yung score ko dito. Sana, matanggap ko yung score ko dito.. kung ano man yun. =(
3rd day [October 14]
Social Studies: Ayus lang. Pero mejo mahirap. Iba kasi pag nagttake ako ng exam sa history e, iba yung ambiance. Basta di ko ma-explain.
Chemistry: MY GOSHHHH. Before the exam, I was damn nervous. Kasi di ko alam anong type ng exam .. anong mga lalabas dun, etc. Parang.. "what if na-mental block ako?" "what if di ko masagutan? PATAY." Kasi sobrang yung chem ang mababa ko sa card. Kaya gusto kong bumawi. Haay. Pero it went well, I guess. This time's much easier than nung 1st quarter. Kasi nung 2nd qtr., yung tipong nag-recess na yung mga ibang year levels na ka-room namin, bumalik na sa classroom at lahat lahat then kami, andun pa rin, nagt-test pa rin sa chem. Grabe yun noh. SABAW.
Sana matanggap ko mga scores ko sa lahat ng subjects. =( Haaaayy. Ano kayang magiging rank ko ngayon? :( 2nd qtr pa lang, mahirap na. Dati, hindi ako nagpuyat ng hanggang 4am nung 2nd qtr. 4th qtr, oo.. puyat ako nun lalo na nung hell week. Ganto ba talaga ang 3rd year?
Nagpunta kami ng Oktoberfest last Saturday sa Greenhills. Pero di ako pumasok dun sa mismong oktoberfest.. dun kami nag-stay sa Oyster Boy. Pero kasi open naman yun, sa parking lot kasi yun e, so naririnig at napapanood pa rin namin. Tumugtog kasi mga kuya ko dun. Malungkot dito sa bahay, wala mga kuya ko, nasa Davao sila and they'll be back on October 30. Hay, bat ba kasi walang kwenta ang "sem-break" namin. Yung iba 1week, kami.. hindi naman sem-break yun e.
I'm lazy to go online. I'm lazy to blog. Di na ako ganun ka-adik mag-online. Minsan nakakafrustrate pag tinitingnan ko yung blogs ng ibang tao. Yung mga posts nila.. syempre sensible. Maraming nagbabasa at nagccomment. Tas yung akin, parang.. wala lang. Yung ginagawa ko lang. Once a week ako mag-update. Parang dba sasabihin ng mga makakapunta sa blog ko, "ano bang care ko sa ginawa mo sa buhay mo?" Nyahaha. =p Tas maganda yung layouts nila. Yung akin, wala lang rin. Pero this is my blog anyways. Pero.. parang walang kwenta kung walang nagbabasa dba? Nyahaha. =p O wellz. Ganyan talaga.
Ayoko na malungkot ang paligid ko, gusto ko masaya. Kahit na may problema. Ayoko ng mga taong dinadala at binubunton nila sa ibang tao ang galit at problema nila. Nandadamay. Hindi mo alam kung kelan ka lalapit. Syempre kung friend mo yung tao, gusto mong i-comfort. E pano mo nga iccomfort, that person wouldn't let you naman. Pag kakausapin mo, mainit ang ulo. Ewan ko, siguro kasi hindi ako ganun. Ako kasi pag may problema ako, pressured sa school, hindi ko yun binubunton sa mga tao sa paligid ko. Tatahimik lang ako, pipikit, magmumukmok sa isang tabi, gustong mapag-isa. Pero kung may taong kakausap sa kin, kakausapin ko naman. Makakausap nila ako ng matino na hindi ako nagagalit sa kanila. Di ako ganun e. Lagi kasi akong nakangiti. Ayoko ng malungkot ang paligid ko, kasi ako na malungkot na, mas lalong malulungkot. Sa school ko na nga lang nakakalimutan ang mga things that's making my mind confused. Questions na gusto kong masagot. Sa school, 99% lagi akong nakangiti. Sa school, lagi akong masaya. Pag kasama ko kaibigan ko, lagi akong masaya. Except pag badtrip ako which happens rarely.
No comments:
Post a Comment