Wake me up when September ends.
Haay naloloka na ko dito. Gusto kong ayusin ang site ko kaya lang... Pano ba ang Wordpress? Pwede bang itransfer yung Blogger posts dun sa WP? Pano ba? Patulong naman mga feefowll!! =( Waa.
Di natuloy yung shooting ng video namin kahapon. Instead, it will be pushed through tomorrow. Sa house nila Myca sa North Olympus. Ang song namin, "Time After Time". Hehe, exciting! Project namin to sa Music. Kami lang mage-edit since may mga marunong naman sa group namin pero.. kung hindi namin magawa yung lagyan ng wordings sa baba -- yung parang MYX -- siguro issuggest ko na ipapaedit nalang namin. Kelangan nga lang ng money yun pero ayus lang, marami naman kami sa group e. Or.. pag-aaralan ko yung Video editor ng kuya ko dun sa computer nya kaya lang, kulang sa time. Nagawa ko lang dun animation ng "iamemo.asteeg.net" na parang blinkie type. Lol.
Birthday ng kuya Raymond ko kahapon. Wala masyado.. kala ko nga makakapunta kami ng Ratsky e. Boring naman, wala akong ginawa dito kagabi. Excited pa naman ako kasi birthday ng kuya ko + mapapanood ko ulit sila tumugtog + Ratsky + food = fun. Lol. Sabi ko pa naman sa kuya ko mag-breakdance sya sa stage kaya lang sabi nya ayaw nya kasi di pa nya nappractice yung windmill. Prff. Pero pumayag sya, kung.. aakyat ako sa stage at mag headstand. I once imagined myself on stage doing the headstand while they were performing Next Episode nung nasa RnB, Pampanga sila. Pero hanggang imagine e. I would need to take a lot of courage with me to go up there on stage. Hehe. Pero sige, someday. Magagawa ko yan! =D
Hectic na ang schedule namin for the next 2 weeks. October 12,13,14 kasi ang Perio Exams namin. Tas next week, Perio Exams for minor subjects. Grabe, October na! OKTOBERFEST NAA! Haha. Bilis talaga ng panahon. I don't like swimming! =( Di kasi ako magaling. Lagi pang nalalagyan yung tenga ko ng tubig. Epsss. Di ko pa magawa yung breast stroke kasi mali nga yung nagagawa ko. Nyahaha. Kaya freestyle na lang. Pirated na freestyle. Kung anu-ano lang kasi pinaggagawa ko dun, ni hindi ko nga alam kung tama yung ginagawa ko dun e. Nung 1st year lang talaga akong natutong mag-swimming. Haayy. Good luck na lang sakin! Short din breathing ko. =(
Di talaga ako pinanganak ng sporty. Haha. Ball games naman, ayus lang ang basketball. Pwede pa. Pero volleyball, pwede rin kaya lang.. di ako marunong mag-serve. Marunong ako kaya lang hindi umaabot sa kabilang side ng net. Nyahaha. Baliktad pa e noh, kung anong panlalakeng laro yun pa ang mas gusto ko. Chaka badminton, ayus lang yun. Star player kaming dalawa ni Jhem nung laban namin ng volleyball e. Tawa sila ng tawa sakin kasi nakatayo lang daw ako dun. Haha. Parang statwa na paikot-ikot sa same place, di gumagalaw. Pero infairness, na-set ko yung bola sa classmate ko isang beses. Oo, isang beses lang. Haha, for fun lang naman. At least diba I got the courage to stand there kahit di ako marunong. Kulang kasi kami ng players. Ayaw maglaro nung iba samantalang mas marunong naman sila maglaro ng vball kesa sakin. Tsss. So ang maglalaban sa Championships sa volleyball ay ang Humility at Honesty. May basketball pa naman kami, iccheer namin sila ulit with the banners! Haha. =p Nakakatuwa ang sportsfest ngayong year, hyper kami lagi sa pagc-cheer.
Na-aadeekk nanaman ako sa Friendster. May new feature kasi. Haha. =p O zigee, eto muna. Gagawa na ko ng dapat kong gawin. =D
CODED.
Di ka naman kagwapuhan, pero hanga ako sayo. Dahil yun sa napakagandang ugali mo. Mabait ka sa mga babae. Gentleman. Matalino. True friend. Hindi nang-iiwan sa ere. Caring. Makulit. Funny. May sense of humor. Lahat na ng magaganda. Nagpapasalamat talaga ako, nagkaron ako ng kaibigang katulad mo. Di mo lang alam, maraming tao ang may gusto sayo dahil sa anong ugali mo. Kaya wag ka sanang magbabago.
No comments:
Post a Comment