Friday, July 20, 2007

Long week.

FRIDAY. Campus Stopover '07.

I just got home. So tired. :/ Ayun, may event kanina sa school. It was an ETC event and was aired on 89.9. The bands were Kastigo, Addicted to Venus, Linguahe(?), Moonstar 88, Blue Ketchup, Sandwich and Imago. I forgot the other band.. it starts with "m".. andun si Monty ng Mayonnaisse e. ^_^

So after our class which is Gepsych.. We(sofia, eena, joseph, asha, krystle, cerisse and i) went to eat at House Blends. Kasi syempre magugutom kami nun pag concert na.

Ayun, nung andun na kami sa theater.. andun nanaman kami sa harap malapit sa speakers. Pero masaya naman. Kumonti na yung tao bandang dulo. Sa DV6, mga natira na lang.. ako, asha, cerisse, eena, tring, gerald, markie at chenggay. So kami yung matitibay. Waha. :p

Yung unang band na nagplay is Linguahe(?) then Blue Ketchup.. then nalimutan ko na yung sunud-sunod. Waha.

Moonstar 88
. Sing along sa mga songs nila. Kewl.

I really enjoyed Sandwich's performance. I heart Mong Alcaraz. :p Sigaw kami ng sigaw dun. Hottttt. Haha. Tas ang swerte nung naka-jam sa kanila. Kasi naghanap sila ng marunong mag-gitara then they played Sugod. E yung nagvolunteer, bass plinay nya. Ayonn. Syet ang swerte! Ikaw ba naman maka-jam mo ang Sandwich? Kamonnnn. It was kewlll.
Then after was Kastigo. Then, Imago na. Pretty pala si Aia. Hehe. Tas nalaglag yung pic nya sa gitara nung magla-last song na sila tas si Markie yung nakakita. Tas after nun, binigay na lang kay Markie yung pic nya! Huwatttt, kamonnn. haha. :p

Kapagod. Pero fun naman. Sabog si Cerisse, parang nakainom. What more pa kaya kung talagang nakainom na sya.. super sabog na yun. :)) Haha.
--
THURSDAY.
As usual, maaga ang uwian namin. 11:10 pa lang, uwian na! Yeyy. We went to G4. Syempre fun kasi 3rd time ko nang makasakay ng Lrt-mrt nun. Haha. Madami kami e. Sofia, Eena, Neela, Tring, Jr, Asha, Cerisse, Cj(humiwalay pagdating dun), Pem, Kevin Chua, Gerald, Jn.. ayun lang natatandaan ko. Tas dun na lang namin nakita sila Chenggay, markie, Paul Ang, Yanna, Mo, Dotay, Andy... etc. Dami.

Kain muna kami sa foodcourt.. syempre sa mura lang. Haha. Tas timezone-ing na. Sila lang, pinapanood lang namin sila. Wala akong timezone card e, ayoko gumastos. Haha. Tas picture picture.. upload ko bukas. Pinanood namin si Andy mag-DDR. Waawww! Perfect or Great madalas! Ang bilis. Waha. Pati si Paul.. nagddrums! Waha. May video ako nun. :p

Mga 3 something kami umalis nila Cerisse dun. Apat lang kami umalis(ako, cerisse, asha, neela).. e pare-pareho naman silang taga-Las Pinas. So babalik pa sila ng Vito Cruz station. Ako.. Quezon Ave. So kamusta naman yun.. nakapag-mrt na ko mag-isa!! Wahaha. Tuwang-tuwa naman ako dba. :p syempre. haha.
--
MONDAY.
Pagtuklas Recollection. Contemplation Room. B109.

Parang hindi Reco. :)) Pero ayus naman. Ang sarap lang matulog dun sa Contemplation room. Ang lamig.. tas nakaupo pa kami sa pillows. sa floor. Syempre katamad. Haha. Pero fun naman. :)
..will upload the pics tomorrow.
--
Ayun lang. We finished watching Battle Royale kanina. Wowww. Kamusta yun. Hehe. May Battle Royale 2 pa. Pero di na namin papanoorin yun. Tskk. Makahanap nga. :p
--
Sabi nya ikaw lng ang mahal
Seryoso sya sa lahat ng pangako sinta
Ikaw lamang hinihintay maghapon
Hanggang maguwian na

May kanta ka pa sa kanya
Yun pala'y kanta mo din 'yon sa iba
Nalaman mo 'di lang pala ikaw
Ang pinaibig nya ha..

No comments: