MIDTERMS ARE ALREADY FINISHED!!! Yeheyyy! :p Hehe.
So ayun, tapos na rin ang projects. Naka-98 kami sa Filipino project namin. O dba, may bunga naman yung pagpuyat ko. :p
Our profs in BibStud and Gepsych already announced our midterm grades kanina. Yung score ko sa Bibstud, 95. Midterm grade ko, 3.5. Gepsych, 93 yata score ko nun. Nalimutan ko na. Midterm grade is 3.0. Oyeaa! Pero midterm grade pa lang naman yan. It won't show in our class card. But it's a big factor kasi it will be added to our pre-final grade equals our final grade. :)
We watched the Battle Royale in Poligov. It's a R-15 Japanese movie. Sobrang gory! :)) Brutal! Yung Battle Royale, game sya. May pipiliin na isang section, pinili sila kasi mino-mock nila yung mga teachers/elders. Tapos dapat isa lang mananalo sa kanilang lahat. So para may isa lang na manalo, magpapatayan sila. Examples lang ng mga scenes dun yung teacher nila hinead-shot ng knife yung isang babae na student sa klase nila kasi nagbubulungan sila. Sapul talaga sa ulo! Yay! Tas isa pa, yung axe na nasa ulo nung lalakeng student. Kamusta naman yun dba. Puro dugo. Yayyy! :)) But we didn't get to finish it. Sa wednesday na lang daw. Since may Recollection kami sa Monday.
Kanina, nilibre kami ni Carlo. So bakit kami ililibre? Wala namang may birthday. Or kung ano man. Ang dahilan lang naman e, hindi sya nakapag-participate sa paggawa ng Filipino project namin. :)) HAHA. Ang mga andun sila Carlo, Rap, Kevin, Mervin, Paul R., Rino, Cj, Pem, Cerisse, at ako. (extra lang sila paul at rino, di namin sila ka-group. haha.) So, una dapat sa YellowCab. Tas nagbago ng isip, sa Mildred's na lang daw sa UM. Binigyan kami ni Carlo ng 500php(para sa aming apat) Nakapila na kami nila Pem, Cj at Cerisse dun tas biglang sinabi na Pizza Hut na lang daw. Super gutom na kami nun, lakad pa kami ng lakad. So, edi Pizza Hut na. Hindi pa kinuha ni Carlo yung 500 nya samin. So tinago namin. :))
Edi order order na. Tatlong pizza ang inorder :)) + drinks + fetuccine ata yun. (na dapat para sa gf ni carlo, e sandali lang sya kasi 2:30 pa ang klase nya at sa Andrew pa ang bldg. nya) Parang nammroblema na si Carlo nun e, wala pa yung bill :)) HAHA. Tas tapos na lahat kumain. Bill na, cheden! mga 1,900+ yung inabot. Aba, crinedit card nalang! Sorry naman sakanya! :)) Haha. Buti na lang may card sya kung hindi.. haha. jinojoke nga namin e kung kinulang ng pambayad, sya ang maghuhugas ng mga plato dun. :)) Ayoonnn. At yung 500.. akala namin malilimutan na nya e.. :)) Hati-hati na sana kaming 5 dun(cj,cerisse,pem,ako at paul). Hahaha. Pero syempre joke lang yun. :p Nakay Cerisse yung 500 nun. Sabi nya sakin, "kunin mo na, tas bigay mo." Akala tuloy ako nagtago! Weh. Hahaha. Tas sinabi naman ni Cerisse na nasa kanya. Haha. Tas di sila umattend ng Poligov.. nag-billiards yata. Tas kami nila Cj, cerisse, pem at kevin.. bumalik sa school. Ayoonnn. Masarap talagang kumain... pag libre! :)) Wahaha.
---
Nakita ko nga pala si Kevin B., sa pizza hut kanina! Tinatawag ko, di ako narinig. Haha. At as usual, laugh trip nanaman kami nila Jhem at Camae sa fx kanina. At syempre, bago kami sumakay... bumili muna ng food. This time, KFC naman. Nagsawa na sa mcdo. Hehe. :p
--
NOTE: 4.0 ang highest sa grading system namin instead na 1.0. :p
No comments:
Post a Comment