Monday, November 12, 2007

Bubbly.

WARNING: Random post. Tagalog. Wala, gusto ko lang magkwento. LOL.

Bubbly? Bakit nga ba bubbly ang title neto? Wala lang, LSS kasi ako sa song na yan ngayon. Ganda eh. Bubbly by Colbie Calait. Narealize ko paiba-iba talaga ang taste ko sa music. Merong mas nangingibabaw sa ibang genre at a certain point pero gusto ko pa rin yung ibang genres. Ay, labo. Haha.

Hindi pala dapat Bubbly ang title ng post kong 'to. Dapat "headache" or "bugbok na utak ko". Wala lang. Kagabi kasi bugbog na bugbog utak ko. Siguro buong araw akong nakatutok sa computer at himala, sinipag akong gawin ang website na pinapagawa sa 'kin nila kuya. Yey for me! First time kong gumawa ng website na .com. Yung tipong ako talaga yung administrator. Grr. So I'm still figuring out how things work. It's still under construction. Pero grabe, pag-figure out ko na nga lang pano gawing mail.domain.com yung Webmail instead dun sa binigay na domain.com:2095 (dba ganyan?), namroblema na ko. Eh syempre baka malimutan nila yung number sa dulo. Hehe. Pero buti na lang nagawa ko rin! domain.com/mail nga lang pero ayos na yun. Masaya na 'ko dun. Thanks nga pala kay Christian sa pagtulong rin sa 'kin. Bugbog rin pala ang kamay ko kaka-type. Linalagay ko kasi mga contacts sa address book ng email nila. At may email rin akong bago under sa domain name na yun, lol. Kung may bayad lang sana ako dito dba, eh wala e. Free food, board & lodging, education and other stuffs lang naman. That's basically my life. So ok na lang rin.

Inayos ko rin yung gallery ng konti. Ganun pala yung gamit ng Fantastico noh? Hahaha. Ngayon ko lang na-gets. Di ko alam anong use nyan dati eh. LOL. Newb! to think na nagddesign ako ng websites for almost 5 years na rin. My gally! I know I still have a lot to learn. GO MMA! Hehehe. Sabi ko rin, 7pm ang cut-off time ko sa work na yan. Eh ayoko tumigil hangga't hindi ko naaayos yung hindi pa naayos. Ayun, umabot ako ng mga 10pm. May break pa yun kasi kumain, syempre. LOL. At dahil dyan...

Hindi ko nagawa ang COMSK1x(Communication Skills 1) homework namin na nakakabugbog rin ng utak. Grabe. Tungkol sa Thesis Statement yun. Na-miscarriage pa kasi yung orig. prof namin so na-replace sya. And the replacement will be our prof until the end of the term. Great. Pahirap. Pero ayos lang rin, kasi mas may natututunan kami sa kanya. Kung sana nagawa ko yun nung Friday or Saturday. Hay eto nanaman ako. :| Gusto ko na 'tong baguhin! Nakakainis.

So pumasok ako, late ng mga 10minutes. Grr. Late nanaman ako nagising. Buti na lang evaluation ng teachers. Eh mahaba yun, so na-consume ng pageevaluate namin yung isang oras na period sa karamihan ng subjects. Natatakot ako kasi wala akong HW sa COMSK1x. LOL. Buti na lang may consideration yung prof. Ngayon lang daw yun. Bait nun sa 'min(medyo). Haha. Nung una 2:30pm daw ang deadline. Tapos nagbigay nung isa pang HW due on Wednesday(I'll make sure na nagawa ko na 'to beforehand lol) at take home quiz due on Friday. Ang galeennng. Ngayon lang kami nakapag-take home quiz. HAHA. After nun, nagbago isip nya, minove nya yung deadline ng HW namin ng 4:00. Ang saya saya. Eh dapat di na kami gagawa. Mga kasama ko kasi eh. Pero sa isip ko, sayang naman yung binigay na extension ni Ms. kung di ko gagawin. Sayang ang grade!!! So ginawa ko. Nagpunta kami ng isaw-an tapos after pumasok kami sa internet shop malapit dun. Tinulungan rin ako ng blockmate ko. Tapos napass ko! Ewan ko kung tama pinaglalagay ko dun. Basta nagawa ko. LOL.

Wala lang. :))

Hmm, para sa 'kin, masaya sa school. Ewan ko, basta lagi akong masaya pag nasa school. Bakit ba ganun? Kayo ba? Hehe.

Wala lang ulit. LOL. Ganda ng post ko no. Haha.
--
RENZ! Pano na yung blogger commenting code? LOL. =p

No comments: