Thursday, December 06, 2007

Blog sa ilalim ng aking blog.

Meron nga pala akong blog sa ilalim ng blog na 'to. Kakapost ko lang dun nung mga drafts ko. At nabasa ko ulit yung pinost ko nung December 1. When I read it, it felt like I was reading it for the first time.


Sometimes, I wish things would go the the way back when things were still simple. Things have changed, and it became really complicated. It's sad. Then again, it's something we have to face and deal with.

I miss the happy faces and enlightening smiles I see on the faces of the people I love the most. It rarely happens now. :(


Nalungkot ako nung nabasa ko yan. At naalala ko kung ano nakapagtrigger sakin para masulat yan. Ikkwento ko na lang next time.

Dun sa blog kong yun nilalagay yung mga posts na tipong nadadala ng emosyon ko. Tipong pag malungkot ako o galit ako, magsusulat ako dun. Parang mas maayos yata ako mag-blog pag ganun. Kasi dito nagbblog ako pag sabaw ako kaya random ang lumalabas. Lol.

Naalala ko, ginawa ko yung blog na yun para lang ikwento ang isang bagay na nangyari sa'kin 2 years ago. Konti lang nakakaalam nun. At alam ko, nakalagay yung link sa Archives ko dito. Di ko alam kelan, tinatamad akong hanapin. Bongga, may password pa siya. Haha. Isang kwento kasi yun na hindi dapat malaman ng marami noon. Lalo na dati, maraming nagbabasa ng blog ko na taga-school(HS) ko. At yung nangyari sakin, konti lang nakakaalam: mga kaibigan ko, mga kaibigan niya, mga kaibigan ng taong mahal siya(o sige, girlfriend niya). Marami na rin, pero hindi laganap. (lol, laganap, ano yun sakit? hehe) Hindi ko alam kung dapat ko siyang i-kwento ulit, nagsawa na rin ako dahil paulit-ulit ko na siyang nakwento noon. Siguro, hanapin niyo na lang yung blog kong yun. LOL.

Meron ba kayong ganun? Secret blog maliban sa official blog niyo? O ako lang ba ang may ganun? Para naman malaman ko kung normal ako. LOL. I'm kidding. I know I'm normal.. sometimes. Haha. ;p

-
Grabe, Tagalog nanaman ang post ko. Taglish pala. Haha.

No comments: