I didn't go to school today. I'm not feeling well :| My mom woke me up at around 4 in the morning and asked me if I will go to school. I was having second thoughts but my body's really weak to get up. Tinanong ko siya kung anong mas okay, sabi niya, wag na lang daw ako pumasok. Okay na lang rin, kasi wala naman kaming gagawin ngayon, puro discussions lang. Hmm, I'm really tired. 2 weeks na lang, term break na namin. Konting tiis na lang.
I have so much to do even if I didn't go to school. Gagawin ko yung report namin para bukas sa Sociology at magreresearch para sa Economics report na project na rin namin. Ok na rin 'to, at least hindi ako mas-stress masyado. Marami pang oras para gawin kaya I should really start now.
Boy meets girl nga pala title ng post kong 'to. Why? Wala lang, wala kasi akong magawa at hindi ko pa masyadong feel mag-start agad na mag-research kaya inaliw ko ang sarili ko sa pagpo-Photoshop. Tinry ko lang kung kaya ko rin gawin dito yung ginawa ko sa Illustrator sa SDA1 building namin.
Ay, masyado palang maliit yung ginawa ko. *Resizes it* Click niyo na lang para mas malaki. Hehe. Kaya lang medyo lumabo. Toinkkk.
Babae at lalaki ang ginawa ko kaya nung pinagsama ko, ginawa ko na lang Boy meets girl. Wala akong ibang maisip na title e. Hehe. Ok naman siya, pangit lang yata yung buhok nung girl. Kung anu-ano pinaggagawa ko e. Di talaga ako magaling sa pag-shadow shadow. I need to learn how to do it better. My blockmate said, "Practice lang yan."
Anyway, maraming nakalagay sa Christmas Wish List ko. Hindi pa nga pala ako naglalagay ng Christmas Wish List ko dito kagaya ng ginawa ko sa Multiply ko. Sobrang dami nun e. So bakit ko nga ba nabanggit 'to? Konektado ba sa Boy meets girl? Oo. Dahil sa #1 sa list. Yun lang. Hehe. At dahil December na rin ngayon kaya ok lang na magkaroon ng Christmas Wish List dba? Lol.
1. Wacom Intuos Tablet
2. Nikon D40/D40x or Canon EOS 400d DSLR.
3. Starbucks 2008 Planner (5 pa lang stickers ko! Huhu.)
4. Hoodie! Matagal ko na gusto netooooo. Gah. Puro window shopping lang kami ng blockmates ko tuwing magpupunta kami ng mall pag break time.
5. Red Ecko shoes. Astig yung design. Nakita niyo na ba 'to?
6. School bag. Kahit may bag ako for school, hindi pa rin siya enough. Kasi gusto ko yung tipong magkakasya lahat. Sawang-sawa na ko kakadala nung file case ko. Wahaha. Tapos tipong magkakasya din dun yung pang-P.E. ko. Para isa lang dala ko: bag lang.
7. Statement and vintage tees.
8. Makapag-ipon! Syempre para mabili yung gusto ko. Eh ang problema, mahal yung gusto kong bilhin(# 1 and 2). Kaya kung mabait kayo, yan na lang gift niyo sakin. LOL. Kapal ng mukha e noh. HAHA.
9. Magkaroon ng 3.0 up grades sa finals.
10. Own domain. Sobrang dati ko pa 'tong gusto. Mga 2 years ago pa. Wala, tinamad lang ako. Pero ngayon gusto ko na ulit. Toinks.
Hmm. 10 lang nilagay ko dito. Pero sa multiply ko, 25 ang nandun. Sobrang dami. Wala namang masama dba. XD
Btw, Happy Birthday to Dan Hellbound! Lol, binati kita for the 4th time. :))
Sige, bai bai.
1 School of Design and Arts. Our multimedia lab has Mac Pro, a Wacom Intuos tablet, and anything a Multimedia Arts student would need. We love it there!
No comments:
Post a Comment