Monday, December 03, 2007

Ey em sek.

Mannn, I hate being sick. Well, hindi naman talaga may sakit, inuubo at sinisipon lang. Ayheyteettt. I think it's due to cold weather. Yay, December na talaga! Ohwellpoz.

Hmm. Ano nga bang ginagawa ko dito sa blog ko? Wala lang, gusto ko lang mag-type. Samantalang, meron pa akong position paper na gagawin para sa pinanood namin na Ratatouille(tama ba spelling? hehe) nung Thursday na dahilan kung bakit hindi kami nakapag-pre-enrollment agad. Sinisi daw ba ang movie ng dagang chef. Pero nakakatuwa naman siya, di nga lang namin natapos kaya papanoorin ko siya ulit ngayon.

Tapos, meron pa kaming group report bukas na hindi ko pa nagagawa! Wala pa akong nasisimulan. Gah, sana hindi kami matuloy bukas. :| Tapos marami pa akong gagawin.. may pinapa-upload sakin yung kaklase ko na sandamakmak na pictures niya na sinend niya sa phone ko. Pag hindi ko raw yung in-upload, itatapon niya yung kakabili ko lang na libro ni Bob Ong na Stainless Longganisa. Sige, subukan lang niya. Haha.

Ayun, marami pa talaga akong gagawin. May quiz pa yata kami bukas sa isang subject. Tapos may kelangan pa akong i-send sa ka-group ko na research para sa report namin sa Thursday sa isa pang subject. Yehey, ang saya. Tapos heto ako, nagtatype sa blog ko. Galing ko talaga.

Hmm. Talo nanaman kami sa basketball kanina. Dalawang beses na sila nananalo, kami isa pa lang. Gahhh. Sobrang napagod ako dun. As in, yun lang yung laro na napagod ako. Dati, tawa pa kami ng tawa. Ngayon, medyo seryoso na. Hehe, aliw at masaya naman e, kaya ayos lang.

Ano pa bang gagawin ko? Marami pa. Hindi ko na maisip ano. Kaya siguro nung weekend, nagmukmok lang ako sa kwarto at natulog nang natulog. Para akong wasted. Kala mo yung may problema o yung ginagawa ng taong heartbroken. :)) Pero syempre, hindi naman ako yun. Ganun lang talaga, pagod lang ng sobra.

Anyway highway. Toink toink! Hmm. Ipangalan ko kaya sa balak kong domain yun? Toinks.net? Hahahaha! Togoinks. Toinkers! Ok, wala na kong magawa. :p Hmm. Kakain pa ako. Nagugutom na ang tiyan ko. Bai bai.

No comments: