Thursday, March 31, 2005

Palabas.

The Podium. Nanood kami ng sine kagabi sa Podium kasama si Ate Ivory, Ate April at Kuya Carlos. Pinanood namin Ms. Congeniality 2. Ayun kumuha kami ng ticket pero 8:25 pa yung showing. Kaya kumain muna kami sa ... nakalimutan ko yung name ng pinagkainan namin pero "Savory Crepe & fine coffee" yun e. Basta masarap yung savory crepe: Hungarian Sausage(slices), Bechamel Sauce(sarap), Asparagus, Shrimp & Crab Meat. Nagugutom na ba kayo? Waha. :P Ayun, andaming tao pagdating namin sa loob! SOBRA! Haha. :P Ayun, okay yung movie. Astig at nakakatawa rin. Sabi ni Kuya Ian pangit raw! Tas knwento nya yung ibang parts ng movie bago kami umalis! Sabi ni ate ivory, "kuya!.. wag kang.. epal.." Wahahaha. Nung natapos yung movie bumili kami sa Cinnabon. Gusto kasi ni kuya Ian ng "pasalubong". :P

Wednesday, March 30, 2005

Salamat.

Salamat sa mga nagcomment and sa mga regular dito. Hehe.

[x] Eri_salamat ulit sa pagcocomment. And, no problem. :D I was just sharin it to people kasi sobrang astig talaga nung mga sites.
[x] Angel_thanks for being regular here. :D Hehe.
[x] Pau_tnx for linkin my site. :D

Yadaaaa. Lah lang.. dapat pupunta ako ng graduation ngayon kaya lang, 1st of all, walang maghahatid sakin dun. 2nd, busy sila dito. 3rdly, kuya ko wala dito. So I'm stuck here. BUT, manonood dapat kami ng sine ng gf ng kuya ko and ng sis nya. Miss Congeniality 2 daw. She's[my bro's gf] a former dance club member of OLGM kaya pwede kong pakiusapan. Kaya lang, nakakahiya. Wh00aw, SORRY JESY!!! I think, magbabakasyon sayo ang bookbind ko.

Kagabi, nagpunta kami ng Pampanga. Cuz my bro had a gig at a bar called "Gigster". And the whole night, katext ko lang si Jesydoodles. Hanggang 3:07 in the morning! Shetss! haha! And dumating kami dito ng 4am ata.

TOLL FEE. Wow, napakataas ng toll fee. I mean, we spent like 300+ php? Or I'm not really sure pero basta ganun. Kalokohan. Prices keep rising. Yung mga everyday needs ng mga tao...yung gas. At kung anu-ano pa. Sabi nila, kelangan daw talaga yun dahil kung hindi, lulubog ang Pinas. Eh, it's there fault in the first place. Why did they spend a lot of money nung election? To win? What's in the place of the president? More money, more power? Masyado na silang mayaman. But then, patuloy pa rin sila. No offense sa mga ibang tao na makakabasa dito ha. Everybody is entitled to their own opinion. Dba? :D Dba its now time na class A people should sacrifice for the low classes? Haay, ewann. :P

Monday, March 28, 2005

2 days ng hindi pagpo-post.

Wala lang. Mejo tinatamad. :D Hehe. Andami kong nadownload na brushes kanina. Sa 2 days na to, madami akong natutunan. Haha. Alam ko na paano magblend. Actually marunong nako dati pero mas maganda yung natutunan ko ngayon. Astig. Check out this COOL sites:


xdiorangelx.com[she has very nice blog templates like my skin,tutorials and others]

Inferno Sprite[plenty of VERY VERY COOL, NICE, ASTIG vectors, brushes, textures and other very cool shitss. lol]

Digital Bristle[same as above. plenty of VeRy very cool and nice and astig brushes, textures, stock images and others]

Hybrid-Genesis[same as the other two.]


They have tutorials too. :) I'm sure you'll learn a lot there.

Ayun anyway, kagabi nasa Blue Wave kami. Blue Wave na malapit sa Roxas Blvd. Ayun, may Easter Egg hunt daw dun pero wala pa kami nun e. Tumugtog dun kuya ko. 2 sets lang yun. Kaya mabilis natapos. Na-badtrip pa nga ko sa Max's e kasi ayaw nila i-serve dun sa table namin yung food nila. *Malayo* raw kasi. Eh, within the compound naman yun e. Haay nako. So yun, take-out na lang. Pero, WALANG LALAGYAN or kung ano mang pwedeng pagkainan! SHET! Kumain na lang kami sa Congee. Ayun.. gutom na ko nun eh. Pero okay na rin naman.

Ngayon, pupunta kami ng Pampanga. May tugtog dun kuya ko 3 sets for 50 mins. Nauna na sila dun. Ako kanina pa nagco-computer dito. Pinapa-vend sakin ng kuya ko yung Blacksmith nya. Lagi naman nad-dc.

Naka-chat ko si Aiji kanina.. WAAH! Aiji bumalik ka dito! :( Sana in some way, makabalik ka dito sa OL. Sana kahit yung "kung hindi nila magustuhan or kung hindi mo magustuhan yung 1st qtr dun at lagi kang gumagala babalik ka ng OL" mangyari man lang. Mas maganda kung nandito ka ngayong 3rd yr.. para sama-sama tayo sa 1st prom natin. Sa kung anu-ano mang mangyayari ngayong 3rd yr. :(

Haay, life is like that.

"Kumusta na, nandyan ka pa ba? Wala na yatang magagawa kundi tumawa. Nandyan pa ba, mga alaala? Ang tanging bagay na naiwan sa 'ting dalawa. Nakita ko na lahat ito, pinahihiwatig ng mata mo. Salamat na lamang sa'yo."

Saturday, March 26, 2005

Next layout.

I stayed up late yesterday because I was workin on my next layout. :)

Anyway, nasa bahay lang kami ngayon. Nagising ako mga 3:30pm. Then I played CSI sa computer ng kuya ko. Kahit tapos ko na, gusto ko pa ring ulitin. Walang magawa e. then kumain ako after..

Nanood kami ng Ten Commandments kanina. Tas ngayon, Daddy Day Care sa HBO. Ayun, ginagawa ko pa rin yung skin... yun muna ngayon. :)

Thursday, March 24, 2005

Too tired.

Haay, dumating kami galing Baguio ng around 11:00am. Ayun, diretso ako ng computer. Then mga 2:30pm umalis kami papunta ng Tagaytay. Pero di na sumama daddy ko kasi pagod raw sya. Kahit ako naman pagod rin. :) Ka-text ko lang rin si syej, kagaya kagabi. Hehehe. Dinaanan muna namin sa commonwealth lola ko. Tas dumating na rin si Kuya Ian galing ng Tagaytay...

Dumating ata kami sa Tagaytay mga 5:30pm. Traffic. Madaming tao. Pumunta kami ng Viewsite pero umalis rin. Then pumunta kami ng Taal Vista. Picture picture. E ako naman, gutom. :P We ordered club sandwich and a carbonarra for me. They left me there while they took pictures outside. Kumain kasi kami sa Cafe-on-the-ridge. Matagal rin ako nag-antay ng pagkain. :( Pagbalik nila, wala pa rin yung pagkain.

Ayun umuwi na rin kami after ... LAMIG!!! Grabe. Mahangin sa labas! Hihihi. Paglabas, matraffic pa rin. Madaming papunta, maraming pabalik. Bumili kami ng mga prutas chaka ng Colette's Buko pie. :P Picture picture lang ako nung time na bumibili kami ng fruits. Nagpaiwan lang kasi ako sa sasakyan. Then I found a beautiful scenery that I decided to make it as my next skin. :) Yung mga pictures, madilim pero ok lang yan. :)

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
[Nice noh? Hehe. Lah lang..]

Tas pagdating namin sa bahay mga 8pm ata yun... nag-aya kuya ko na kumain sa labas. Kumain kami sa isang seafood restaurant. Nabusog nga ko e. Grabe ang sakit na ng likod ko nun. Dami naming pinuntahan. .. Mamaya, syempre, magsisimba kami.. :D Hehe.
Blog hopping nanaman ako. Marami akong nakitang blogs ng taga-OL. :P May blog si kuya lawrence, george, jesy, .... basta yun. Link ko na lang sila dito. :)

Kakatapos lang namin manood ni kuya ian at raymond ng "Into the sun"... di ko na gaano napanood kasi nga nagi-internet ako. :P

Baguio.

Hey guys. I'm here at Baguio City. We're staying at this hotel called Golden Pine. Di na nga ako nakapunta ng school kasi I thought na bukas pa ng madaling araw kami aalis. So yun. Pinabigay ko na lang clearance ko.

Mga around 3:00 ata yun nung nagpunta kami ng Burger Machine kasi sabi ni kuya Junjun, gutom daw sya. And I was about to go to that state too. Lol. So yun, inaya namin si kuya Amon na pumunta ng burger machine. It took a long time kasi nagra-Ragnarok pa sya. Then after ko kumain, nagbihis nako.

It was uhm, 4:00 I think nung umalis kami sa bahay. Di na ako natulog non e kasi naligo pa ko. Para ngang biglaan yung plan e. Ayun, nakatulog ako. Ginising ako ng kuya ko nasa Manaoag na kami. Nauna na sila dun hehehe. Di ko namalayan ang himbing pala ng tulog ko. :P Ayun, nagpabless kami ng rosary tas di ko na alam yung iba. Then after, we were on our way to Baguio.

We got here at around 10 whatever AM I think. Nung una, di pa namin alam saan kami pupunta pero sabi ni kuya Junjun park daw muna kami dun banda sa may Session Road. Tas pumunta muna kami ng Mommy ko sa Mercury Drug para bumili ng gamot. Then, nandun si Ate Ivory sa isang bookstore may binibili then sumama na si kuya Junjun sa kanya. Kasi may presentation si Ate Ivory sa isang hotel restaurant. Chef kasi sya kaya yun. Pumunta kami ng Grotto pagkatapos nun. Grabe medyo napagod ako kaka-akyat ng stairs. Tas kumain kami sa Kusina ni Ima, sa tabi ng Alberto's. Then after, natulog nako sa sasakyan. Wala lang, ikot-ikot lang kami dun. Ts ngayon nandito kami sa hotel. Nanood muna ako ng TV sa taas then tinanong ko sa Daddy ko kung may internet ba sa lobby. Nakita ko kasi kanina may computer chaka modem kaya yun. Ayun, sinamahan nya ko dito pababa. Astig nga kasi DSL pa. May free pang 1 hour. Hinihintay ko mag-online si JESY pero di pa nag-oonline yung babaeng yon. Hahaha. [Jesy, mag-online ka na kase!!! =p]

May pupuntahan pa ata kami mamaya. Di ko lang sure. Aalis kami mamayang mga 4 ng umaga. Pupunta ata kami ng Tagaytay bukas e. Yung kuya Ian ko naman nasa Tagaytay kasama gf nya. Rinegaluhan nya ng 6630 para sa anniv nila. Yihee. Ts yung phone nya yung HP Ipaq tas ako di man lang nya maregaluhan ng iPOD sa birthday ko?! Tsk tsk. Haha joke. Yun muna. :)

Tuesday, March 22, 2005

CLEARED.

Oh my GOSHHH!!! Sh0xzzz!!! TAPOS KO NA ANG CLEARANCE KO!!! YIHEEEE!!! ANG SAYA SAYA!!! Pero, babalik pa ako ng school bukas kase, magki-kiskis pa ko ng upuan ko don at iva-varnish pa. Haay, salamat naman at pinayagan ni Mam Joy na signan pa ang aking clearance. Hehe. At nag-antay kami ng matagal ni Raiza para mapasign ang clearance namin sa Maintenance! Pero, at least napa-sign rin. :P Tiyaga lang. Haha.

Jesy Elisse Perez Raposas yung bookbind ko pero di nya natapos kasi aalis na kami(ayan kasi! di mo na lang sinabi na di pa tapos! =P). Pumunta nga pala sila Aiji, Tiffany, Jhem at Francel(it means, buong TB) sa bahay namin. Hehehe. Ayun, jamming jamming. Gumawa kami ulit ng music video at si Aiji nanaman ang starring dun. "CRAZY FOR YOU". Haha. Eksperto naman dyan si Aiji kasi natural na sa kanya ang kanyang pagka-"baliw". Haha. Lalo na sa isang tao dyan. :P Hehehe. Masaya naman. Lakas ng trip ng mga yon. Pano, nag-online kasi SIYA(ulit) tapos chinat ni Aiji at sinabi sa kanya na, "143". Timang! E di pa naman niya alam na hindi ako yung nagchachat sa KANYA. So ayun, sinabi kong wrong send. :P And the rest is history. :D Yihee. Haha.

Anyway, salamat ng marami sa mga tao na patuloy na nagco-comment at nagvi-visit sa site ko. :)
Rosalie (thanks gurl. even tho you dont understand tagalog that much. hehe.)
Eri (sobra! haha, ikaw lang nagcocomment sa mga pinopost ko haha.)
Jesy (sa pagvi-view ng aking site :P)
Nancy (sa pagsasabi na na-aastigan ka sa site ko :D)
x kung gusto nyo malagay dito, [:haha:], visit kasi kayo lagi! at magcomment rin sa mga posts ko! haha.

Monday, March 21, 2005

Boxing.

Nanood muna kami ng laban ni Pacquiao at Morales kanina. 115-113 e. Talo nga si Pacquiao tas nagdugo pa yung malapit sa mata nya. Para ngang may palabas na sine kanina kasi inoff ng kuya ko yung ilaw tapos inopen nya yung triple spotlight yellow na ilaw. hehehe.

Nagsimba rin kami mga 5:30 ata yun. Pero tapos na yung blessing ng mga palaspas pero bumili na lang rin kami then sabi nung nagbebenta na-bless na rin yun.

Anywaysss, ayun, nagpatulong si AJ at Mima sa kanilang blog. Naks may blog na rin sila! Hehehe. Visit nyo rin :) Hehe. Ang ganda ng music sa blog ni Mima, pinapakinggan ko nga ngayon e. :p "All my life, I've prayed for someone like you and I thank God that I finally found you. All my life, I've prayed for someone like you and I hope that you feel the same way too. Yes I pray that you do love me too.."

Nakachat ko SIYA nung Friday at Saturday. Himala nga eh, online for 2 consecutive days. Kung sino man may alam kung sino yung tinutukoy ko dito, quiet na lang kayo. Haha. For sure, si Rowelyn alam to kasi nung time na kachat ko siya, kachat ko rin si Rowelyn. And naaalala nya ko :) Yun.

Sana matuloy yung pagpunta nila Aiji, Francel, Tiffany and Jhem dito bukas pero mukhang malabo kase pupunta raw kami ng Bataan bukas. I dunno what are we going to do there. Pinayagan na nga si Jhem e. Well, update na lang tomorrow. I just need 3 teachers to sign my clearance para cleared na. Haay, vacation na. Ilang days na lang ba para sa birthday ko?..

Sa mga minsang pag-uusap at naaalala mo ako, masaya na ako.

Saturday, March 19, 2005

Recognition day.

Recognition day kanina. Late pa nga ako pero ayos lang, umabot naman. Pagdating ko dun mga grade 2 pa lang ang tinatawag e. Haay, pagbubutihan ko na talaga sa 3rd year. I will exert more effort talaga. Those sleepless nights nung Perio exam ... pag-skip ng lunch namin to study. Are those not enough? Ah basta okay lang at least nasa top 10. Pero pagbubutihan ko talaga!!

Hehehe. Ito ang pinakamaiksi kong post. :)

Friday, March 18, 2005

Konting tikim ng kalayaan..

...Sa isang gabing hindi ko makalilimutan. March 17, 2005 @ 2pm-7pm ... one of my cherished moments in my HS life.

Naks naman. Belated Happy Birthday Ryan! Maraming Salamat.

What happened..

Dun muna kami sa may stairs malapit sa Sincerity classroom, tabi ng Fortitude. Kasi nga kakatapos lang ng Farewell Party namin at Surprise Bday Celebration para kay Ma'am Joy. Maraming food. Konti lang ang tao. Pero okay na rin. Grabe, isang Yellow Cab pizza pa lang nakakakain ko busog na ko! Hehehe, ayun then binigay namin yung gift namin sa kanya. :) May medal pa pala kaming binili. Galing rin sa Blue Magic. Hehe. I forgot anong nakalagay dun.

Then, may binigay rin pala kaming medal kay Ms. Adah. Syempre, di naman makakalimutan si Ms. Adah. 1st year adviser ng Prudence. And dahil sobrang napamahal samin ang section na to at si Ms. Adah, binigyan namin ng medal. Syempre, special e. Hehe.

Nag-antay pa kami ng matagal pero ayun, nakarating rin kami sa pupuntahan. Sa Tivoli Royale kami pumunta. Nakakatuwa yung daddy ni Ryan. Hihi. Grabe nabusog ako. Naka-2 rounds ako tapos naka-3 rounds si Aiji at Mima sa kainan. Nagbowling rin kami. Yung iba nag-billiards. Then, swimming na. Ang nagswimming na babae si Mima at Aiji lang. Anyway, yung mga andun na 2nd years: Ako, Myca, Nancy, Tracy, Eins, Nelson, Kevin Rodwell, Annama, Mima, Aiji, Mark, and syempre si Ryan(sya ang may birthday e hehe). Ang mga 3rd years: Rene(bro ni Ryan), Zeus and Chi. Mga 4th years: Paredes, Lester, Lestine ... sino pa ba? Nakalimutan ko na e. Tapos andun din si Hajj. Karamihan Taekwando team yung higher batch. So yun.

Playground. Naglaro kami sa playground dun. Wala lang, aliw. Bumabalik kami sa aming childhood days. Haha.

Tagay. Umorder ng tatlong San Mig Light. Akala ko nagbibiro lang, hindi pala. Haha. Si Aiji naunang uminom. Sip lang. Then sunod ako pero konti lang talaga. Dalawang sips yun na konti lang. Then si Francel. Tapos maya-maya, tumahimik kami. Tapos sabi ni Mima, "ano lasing na ba kayo?" Tawanan kami. HINDI NOH!!! Then uminom rin sya. Then dinala namin yung San Mig light sa may playground .. uminom si AM. Grabe, sya ata pinakamaraming ininom eh. Isang bote. Grabe, mga model students pa naman! mga nasa honors! haha. Tsk tsk.

Masaya naman eh. Mahaba ang kwento pero nakakatamad na magtype. Tambay lang sa may playground, kwentuhan. Pasaway.

Ok lang, konting tikim lang ng kalayaan. Isang gabi lang naman. (naks!)

Wednesday, March 16, 2005

Operation.

In-operahan ako sa mata. ULIT. Both eyes. Masakit yung sa left eye pero hindi sya na-maga. Yung sa right eye, hindi masakit pero yun yung namaga. But, it's better na ngayon. Though I still have to take that medicine and hmm, put some cream sa eye for anti-inflammation. Ayun... so hindi ako papasok bukas(Wednesday).

Before that operation happened, let's get back to what happened at school ...

Pumunta ako ng school then I found Nancy and Mark sa 1st floor veranda. Nakalimutan ko na sinong nagtanong nito pero ito yung question, "Cha sasama ka ba sa SM?", then I was like, "Ha?!Pupunta tayo ng SM?!" Then Mark said, "Oo, bibili tayo ng gift para kay Ma'am Joy.." then I said, "Bat di ko alam?" ... Ayun, usap-usap pero sumama rin naman ako. Since gusto ko naman :D hihihi.

Pumunta muna kami sa bahay ni AM. Hehe, ang cute ni Mickey. :D tapos tinalian pa ni AM ng pig tails. hihihi. Ayun, medyo matagal kami sa bahay ni AM. Nagulat nga sya paglabas nya sa CR andun kami e. Kasi naka-towel lang sya. Hihihi.

SM North. Kasama sila Ryan, Mark, Nancy, Myca, and AM. Wait lang, pano nga pala kami nakapunta dun? Taxi ba? Ay oo. Tama. Hehehe. Tapos ayun, pagala-gala lang muna kami. Pumunta kami sa Cinderella. Kasi nga sabi ni Nancy, bibili sya ng swimsuit para sa birthday ni Ryan kasi nga swimming party yun. Pero di naman kami nakabili. Ang kukyut ng mga damit dun. Hehehe. Then, we decided na magpa-studio pic. Dun kami sa Kameraworld. Nung una, sa Great Image sana kaya lang sabi nila, "mahal dyan!". Oo nga naman. Hehehe. Ako nagsuggest na dun nalang sa Kameraworld. So yun. Lalagay ko dito yung picture next time. Tinatamad akong i-scan e. Hihihi. Pina-print namin yun ulit kasi kulang e. Ako nalang kumuha since malapit lang yung house namin sa SM. So nagpasundo nalang ako sa mommy ko hehe.

GIFT PARA KAY MA'AM JOY. Bumili kami ng gift sa Blue Magic. Yung binili naming card ang nakalagay sa harapan, "THIS IS YOUR LAST BIRTHDAY". Hahaha, ang sama namin. Yung malaking card yun e. Pero may pahabol naman sa loob, "For this year!". Hehehe. Tapos bumili kami ng frame na may drawing ng apat na tao then nakalagay dun, "God knows we're not perfect but we're perfectly LOVABLE!!!" Bagay na bagay! Pasaway kami at lagi namin syang ginagalit pero ok lang. Then yung parang wand na pang-reyna pero ang nakalagay sa tuktok ay isang Bear. hehehe. Aliw. Wala lang. Then may binili pa si AM na bag.

Ayun, nag-grocery pa mommy ko then naghintay ako sa French Baker. Inantok ako dun e. Inantay pa namin yung uncle ko kasi sya yung pinabayad dun sa Customer Service. Then drop by lang sa bahay sandali para magpalit ng damit then diretso na sa St. Luke's. Dun na ko inoperahan. Yun munaaaa.

*tinatype ko to ngayon March 18 @ 4:43 pm since di ako pwede magcomputer nung mismong day na inoperahan ang mata ko(duh :P)

Friday, March 11, 2005

Bored.

Haay, wala kaming ginawa kanina at kahapon. Ayos lang pero wasted eh. Hehe. Bored kami nung wala nang magpa-signan ng clearance. Ayun, pinag-usap namin si Aiji at K*****h (sorry kung mabasa mo man to aiji hehe.) Plan plan pa.. di naman maganda kinalabasan. Kahit kami, di contented. Badtrip yung guy at yung girl parehas. May umepal kase. Hmm ... its closure. :) Ayos lang yan. dba Aiji?

Trip namin kahapon. Tawa kami ng tawa. Kasi yung isang college guy na laging malapit sa window, may laptop at naka-eyeglasses, WALA lang! Haha. Dinare namin si Aiji na mag-hi sya dun sa guy na yun. Name nya, AW or AU. Hehe. =P Nickname pala yon. Nag-hi si Aiji, nagsmile lang saknya. Ako naman, kunwari nagbabasa ng bulletin board dun kahit na natatawa. Tsk tsk. Hahaha. PAMATAY raw yung smile dude! Shet! Hahahaha.

Clearance. Nung isang araw, bonding lang. Kantahan. Kinig ng music sa iPOD ni myca(salamat ever! hehehe) Mga trip namin sa buhay. Tawanan. Magpaka-bored. Haha. Pero masaya :D

Kanina naman, late ako! Di ba naman ako pinapasok nung guard?! Tama ba yun?! Hahaha. Eh pagkadating na pagkadating ko dun sa veranda, kinandado daw ba yung gate! Haay ... hehe. Naghanap ako ng way para makapasok sa building kaya lang, nakabantay yung guard na yun don! Haay nako. Pero at least di ako nag-iisa. Late rin si Nancy at Tracy. Hmmp. Di na rin naman chinecheck ang attendance namin eh. Miss ko na SINCERITY. Hehe. Di na kami pumapasok sa class e. Clearance na lang ever! Ang saya talaga kanina! Ayun, dun na lang kami sa Gracepark kasama si Nikita at Kenneth Buquia. Sumama rin pala si Myca at Francel. Hehe. Kwentuhan ng scary stories kahit na alam kong hindi tugma sa panahon. Haha. Nagtakutan sila. Si Nancy kasi sabi nya, "Ano yun?". May gumagalaw kasi dun banda sa may puno. Sigawan sila Tracy, Nikita at Francel! HAHAHA! Napausog silang tatlo! Pusa lang pala! Tawanan kami oh! Hahaha. Ayun nagstay lang kami dun. Hanggang sa dumating ang 9:30 AM ata yun. Kumain kami ng KFC. Hmm, SARAP! Hehe. Yung mga pusa naman, dinidistract kami sa pagkain namin! Parang tatalon samin at kakainin ang pagkain namin. Kaya ang ginawa ko, dun sa bench, umupo ako dun sa table! Haha. Di kasi ako makakain ng maayos. Ang napasignan ko lang na clearance yung Math at English. Di kasi sinignan ni Sir Baradi ang clearance ko! Pano kasi yung locker ko d pa naaayos. Pero yung kay Myca at Ate AM, sinignan nya! Waahh! Haay, tatapusin ko na ang mga dapat tapusin bukas. Hehe. Yung Filipino, Pag-evacuate sa aking locker, Pagpasign kay Sir Baradi at Ms. Aldana, Library Clearance!(kelangan ko pa ng 1x1 photo!)

GAME. Nagtrip kami kanina ng mga top 12. Except kay Kenneth Buquia. Hehehe. Wala sya dun e. Umikot kami tatlong beses galing sa labas ng canteen, sa gracepark, gym, balik ulit kung saan kami nagkumpul-kumpol. Tapos, uulitin namin ang ginawa namin nung una naming ikot. Haha. Parang, repeat the action. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dun kaya tinigil namin at nag-"stop-over" sa may Balete. At doon naglaro kami ulit ng isang game.

THE SILENT GAME. Si Ate AM nagpasimula nito e. Dapat walang magsasalita at kung magsalita ka man, OUT ka na! Haha. MATIRA MATIBAY!!! Haha. Di ko alam sinong nanalo e. Natatawa na lang kami tapos di namin mapigilan magsalita. Sulat na lang kami. Haha. Saya-saya.

THE AMAZING RACE. Maglalaro kami ng AMAZING RACE sa Monday! Magc-civillian na kame. Hehe. Batch shirt. Si Nikita raw gagawa ng mga challenges. Partners kami ni Francel. Hm, nakaka-excite kahit kami kami lang. Haha. May mga clues tapos gagawin namin yung challenge na yun. Haay, nilulubos na namin. Malapit na rin naman magtapos ang school year.

PERIO EXAMS. Exams na ng mga non-honors. GOOD LUCK XENO SINCERITY!!! As what Tracy always say, "YOU CAN DO IT!". Hehehe.

THAT COLLEGE GUY. Hahaha. Dare ulet kay Aiji kanina! Kahapon kasi yung kinuwento ko nung una sa taas. Kumatok si Aiji sa college since si Aw lang mag-isa dun. Tapos eto ang nangyari...

AIJI: Excuse me po, pwede po bang malaman ang whole name nyo?
AW: Baket?(nakasmile!)
AIJI: Wala lang po.
AW: Baket nga?
AIJI: Ah, eh, gusto ko lang pong malaman.
AW: Hessss Rosss Lapzzz..... (mahina..)
AIJI: Ano po?
AW: (sinabi ulit pero di pa rin maintindihan..)
(lumapit si Aiji ng konti kasi nga mahina yung voice..)
AW: Jesus Ross Lapuz. (di ko lang sure sa spelling ng 1st name nya..)
AIJI: Tapos po, AW ang nickname nyo? (ang layo noh?... hahaha)
AW: Oo.
AIJI: Sige, thank you po!

Hahahaha! Ang lakas ng loob ng babaeng yon!!! Di naman pala masungit eh! Sabi masungit raw!!! Tapos para kaming mga kiti-kiti don kanina. Kami nila, Nancy, Tracy, Myca, Francel, Aiji. Hahaha. Tapos biglang dumating si Nikita. Nakita nya kami tapos tinanong nya, "Ano yun? Bakit?" .. then knwento namin sa knya. Then she said, "Gusto nyo kausapin ko?" ... blah blah blah.. Basta yun. Then nilapitan nya. This is what happened ...

(Nikita was trying to open the window.. then Aw was just staring at her.. kaya lang, di nya nabuksan. Hahaha.)
Nikita: Ah, pwede po bang pakibukas ng bintana?
(Tumayo si Aw, binuksan ang window. And nandun kami sa may locker na nakikita yung tao dun sa college room na yun. And hindi ako nagkakamali na tumingin dun si Aw at nakita kami. Di ko sure kung pati ako pero, sure si Aiji na nakita sya.)
Nikita: Bakit po "Aw" ang nickname nyo? (haha, parang aso noh? Sama ko! Haha..)
Aw: Di ko lam..
Nikita: Pero basta "Aw" po ang nickname nyo?
Aw: Oo.
Nikita: Ah, sige, thank you po!!!

Hahahaha! Grabe!!! Tawa talaga kami ng tawa! Baka lumaki ulo non! Tsk! Haha. JK! Buti hindi sya jerk. :P Iniistorbo pa namin, nag-aaral. Hehehe.

Haay.. ayun yun lang. Bored na kami after nun. Nagjackstone na lang kami. At nahiga sa floor. Tambayan namin yung sa 2nd yr and 4th yr entrance sa may mga lockers. Hehe. Saya-saya talaga. Hehehe. Yun muna. =)

Wednesday, March 09, 2005

School

GRADES. Sinabi na yung ibang scores sa Periodical Exam.

72/100 - Social Studies
55/70 - Health
87% - T.L.E.
72/100(92%) - English(Yihee ako highest di ako makapaniwala! Hhehe)

sunod na yung iba nakalimutan ko e. hehe. :)

Gadgets

Nagpunta kami kanina nang SM. Mga 5:30 kami dumating dito sa bahay. May binayaran lang sa Smart & Globe. Tsaka dapat papa-open line yung cellphone ng daddy ko na 6630 ata yun. Basta yung bago na flip type. Kaya lang, wala kaming makita. Free phone yung galing sa Smart. Actually, hindi sya free kasi may konti ring binayaran. Kasama ko mommy at kuya Ian ko. Ts sale pala. Dami ring tao. Merong booth dun ng mPH magazine. Mga gadgets ... laptops, pocket pcs, printers, mp3s, cameras. Basta yung mga yun, gadgets. Grabee gusto ko talaga ng iPOD. Kuya ko kase eh ilang beses na nagpalit ng pocket pc di man lang ako mabigyan ng iPOD sa birthday ko! Hahaha. :P Ayun tapos nag-grocery kami sandali. Konti lang naman yun. Ang bigat nga ng dala kooo, yung kuya ko naman na sabi dun kami ulit magkikita sa mPH booth, pumunta sa French Baker! Asarrr...! Baka bumalik kami ulit ng SM, punta sa Smart ulit kasi may isusubmit na requirements kasi lilipat yung kuya ko sa Smart from Globe.

SUNOG!!! Ang March ay Fire Prevention Month. May sunog kanina malapit sa SM. Somewhere in EDSA yan pero I'm not sure about the specific location of the fire. Pero ang kapal ng usok.


Image hosted by Photobucket.com
Paalis na kami nyan. I decided to take a picture para dito sa blog. Nasa sasakyan ako nyan.

Image hosted by Photobucket.com
Pangalawang picture. See teh smoke? Kapal noh?

CHAT. 4:00 ako natulog kagabi! Mga 11:30 ata yun kachat ko si Jesy kaya lang naglog-out na rin sya. Konti lang ng online kagabi parang hindi Sabado! Tsk tsk. Chinat ko na lang si Lawrence, Norman, Keesha at Nancy. Pero naglog-out na rin si Nancy e. Ininvite ako ni Keesha sa conference nila ni Norman at Irene Zuniga pero wala na si Irene dun nung dumating ako. Tas si Kuya Norman naglaro ng RO, nagutom ako kaya kumuha ako ng food. =p Hehehe. Pero umalis rin si Kuya Norman so ininvite namin si Lawrence sa conference. Di ko talaga mapigilan ang tawa ko nun. Bakit? Conversation na naming tatlo yon! Haha. :p Parang "matira matibay" kagabi. :p Kaming tatlo na lang ang natirang online. May pasok nanaman ulit bukas.

MEG MAGAZINE. Ay nga pala, bumili ako ng magazine ng Meg kanina. Then nung iniiscan ko yung magazine kasi nga may hinahanap ako, may nakita akong picture sa isang page na nalampasan ko na. Pero sabi ko, 'parang kilala ko yun ah..' So binalikan ko yung page na yun, then nung nakita ko, "Ay oo nga! Si Brigette to ah!". School mate ko, 4th year. Nakalagay nga dun yung school e. One time, lagay ko dito pa nascan ko na. Nasa section yun na Beauty Booty Makeover. Tinry ko munang i-miss call sya nung una kaya lang, cannot be reached.

BACKGROUND MUSIC. Haay.. background music ng aking site ang I DO(CHERISH YOU) by 98 Degrees. Naaalala ko tuloy yung play namin sa Florante at Laura. Dba mga kagroup-mates? Kung may makabasa man isa sa inyo dito. Hehe. Dundah ng song na yan.

Yun lang muna, SALAMAT SA MGA TAONG NAG-COMMENT! AS IN! Hehe. :)

Saturday, March 05, 2005

New blogger

Hi mga peeps. :P Wala lang ... dati pa akong nagpplano na mag-blog kaya lang talagang tinatamad ako. At nang nakita ko ang mga blogskins ni xdiorangelx .. ang gaganda. Kaya ayun. Na-feel ko lang magblog. Hehe. Medyo na-miss ko rin ang pagbblog. Tinatamad kasi ako e. :P Ayun wala lang. Comments naman. Nagagandahan talaga ako dito sa skin na to. I love it! Hehe.

EXAMS. Kakatapos lang ng exams namin. At ang pagpasa ng mga projects! SA WAKAS! Natapos rin .. pressures. sleepless nights. WAAH. Hihi. Malapit na ang closing. 2 weeks na lang. Tas ggraduate na rin ang 4th yr. Sa totoo lang, kung may 4th yr man na makakabasa nito, gusto ko yung batch nila. Hehe. Di promise. Totoo talaga.

"Let's admit we made a mistake but can we still be friends..."

LSS!!! Ewan ko ba bakit. Bigla nalang pumasok sa utak ko ang kantang itooo. Wala lang.

Ay, hannah, nalink na kita dito. Hehe. Tapos na ang blogsite ko. Mas madali pala talaga dito sa blogspot kesa mag-HTML blog ka. Hehe. Gaya nung prudence site ... asar. Antagal na publish. Hehe.

Yun lang muna. :P