Haay, wala kaming ginawa kanina at kahapon. Ayos lang pero wasted eh. Hehe. Bored kami nung wala nang magpa-signan ng clearance. Ayun, pinag-usap namin si Aiji at K*****h (sorry kung mabasa mo man to aiji hehe.) Plan plan pa.. di naman maganda kinalabasan. Kahit kami, di contented. Badtrip yung guy at yung girl parehas. May umepal kase. Hmm ... its closure. :) Ayos lang yan. dba Aiji?
Trip namin kahapon. Tawa kami ng tawa. Kasi yung isang college guy na laging malapit sa window, may laptop at naka-eyeglasses, WALA lang! Haha. Dinare namin si Aiji na mag-hi sya dun sa guy na yun. Name nya, AW or AU. Hehe. =P Nickname pala yon. Nag-hi si Aiji, nagsmile lang saknya. Ako naman, kunwari nagbabasa ng bulletin board dun kahit na natatawa. Tsk tsk. Hahaha. PAMATAY raw yung smile dude! Shet! Hahahaha.
Clearance. Nung isang araw, bonding lang. Kantahan. Kinig ng music sa iPOD ni myca(salamat ever! hehehe) Mga trip namin sa buhay. Tawanan. Magpaka-bored. Haha. Pero masaya :D
Kanina naman, late ako! Di ba naman ako pinapasok nung guard?! Tama ba yun?! Hahaha. Eh pagkadating na pagkadating ko dun sa veranda, kinandado daw ba yung gate! Haay ... hehe. Naghanap ako ng way para makapasok sa building kaya lang, nakabantay yung guard na yun don! Haay nako. Pero at least di ako nag-iisa. Late rin si Nancy at Tracy. Hmmp. Di na rin naman chinecheck ang attendance namin eh. Miss ko na SINCERITY. Hehe. Di na kami pumapasok sa class e. Clearance na lang ever! Ang saya talaga kanina! Ayun, dun na lang kami sa Gracepark kasama si Nikita at Kenneth Buquia. Sumama rin pala si Myca at Francel. Hehe. Kwentuhan ng scary stories kahit na alam kong hindi tugma sa panahon. Haha. Nagtakutan sila. Si Nancy kasi sabi nya, "Ano yun?". May gumagalaw kasi dun banda sa may puno. Sigawan sila Tracy, Nikita at Francel! HAHAHA! Napausog silang tatlo! Pusa lang pala! Tawanan kami oh! Hahaha. Ayun nagstay lang kami dun. Hanggang sa dumating ang 9:30 AM ata yun. Kumain kami ng KFC. Hmm, SARAP! Hehe. Yung mga pusa naman, dinidistract kami sa pagkain namin! Parang tatalon samin at kakainin ang pagkain namin. Kaya ang ginawa ko, dun sa bench, umupo ako dun sa table! Haha. Di kasi ako makakain ng maayos. Ang napasignan ko lang na clearance yung Math at English. Di kasi sinignan ni Sir Baradi ang clearance ko! Pano kasi yung locker ko d pa naaayos. Pero yung kay Myca at Ate AM, sinignan nya! Waahh! Haay, tatapusin ko na ang mga dapat tapusin bukas. Hehe. Yung Filipino, Pag-evacuate sa aking locker, Pagpasign kay Sir Baradi at Ms. Aldana, Library Clearance!(kelangan ko pa ng 1x1 photo!)
GAME. Nagtrip kami kanina ng mga top 12. Except kay Kenneth Buquia. Hehehe. Wala sya dun e. Umikot kami tatlong beses galing sa labas ng canteen, sa gracepark, gym, balik ulit kung saan kami nagkumpul-kumpol. Tapos, uulitin namin ang ginawa namin nung una naming ikot. Haha. Parang, repeat the action. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dun kaya tinigil namin at nag-"stop-over" sa may Balete. At doon naglaro kami ulit ng isang game.
THE SILENT GAME. Si Ate AM nagpasimula nito e. Dapat walang magsasalita at kung magsalita ka man, OUT ka na! Haha. MATIRA MATIBAY!!! Haha. Di ko alam sinong nanalo e. Natatawa na lang kami tapos di namin mapigilan magsalita. Sulat na lang kami. Haha. Saya-saya.
THE AMAZING RACE. Maglalaro kami ng AMAZING RACE sa Monday! Magc-civillian na kame. Hehe. Batch shirt. Si Nikita raw gagawa ng mga challenges. Partners kami ni Francel. Hm, nakaka-excite kahit kami kami lang. Haha. May mga clues tapos gagawin namin yung challenge na yun. Haay, nilulubos na namin. Malapit na rin naman magtapos ang school year.
PERIO EXAMS. Exams na ng mga non-honors. GOOD LUCK XENO SINCERITY!!! As what Tracy always say, "YOU CAN DO IT!". Hehehe.
THAT COLLEGE GUY. Hahaha. Dare ulet kay Aiji kanina! Kahapon kasi yung kinuwento ko nung una sa taas. Kumatok si Aiji sa college since si Aw lang mag-isa dun. Tapos eto ang nangyari...
AIJI: Excuse me po, pwede po bang malaman ang whole name nyo?
AW: Baket?(nakasmile!)
AIJI: Wala lang po.
AW: Baket nga?
AIJI: Ah, eh, gusto ko lang pong malaman.
AW: Hessss Rosss Lapzzz..... (mahina..)
AIJI: Ano po?
AW: (sinabi ulit pero di pa rin maintindihan..)
(lumapit si Aiji ng konti kasi nga mahina yung voice..)
AW: Jesus Ross Lapuz. (di ko lang sure sa spelling ng 1st name nya..)
AIJI: Tapos po, AW ang nickname nyo? (ang layo noh?... hahaha)
AW: Oo.
AIJI: Sige, thank you po!
Hahahaha! Ang lakas ng loob ng babaeng yon!!! Di naman pala masungit eh! Sabi masungit raw!!! Tapos para kaming mga kiti-kiti don kanina. Kami nila, Nancy, Tracy, Myca, Francel, Aiji. Hahaha. Tapos biglang dumating si Nikita. Nakita nya kami tapos tinanong nya, "Ano yun? Bakit?" .. then knwento namin sa knya. Then she said, "Gusto nyo kausapin ko?" ... blah blah blah.. Basta yun. Then nilapitan nya. This is what happened ...
(Nikita was trying to open the window.. then Aw was just staring at her.. kaya lang, di nya nabuksan. Hahaha.)
Nikita: Ah, pwede po bang pakibukas ng bintana?
(Tumayo si Aw, binuksan ang window. And nandun kami sa may locker na nakikita yung tao dun sa college room na yun. And hindi ako nagkakamali na tumingin dun si Aw at nakita kami. Di ko sure kung pati ako pero, sure si Aiji na nakita sya.)
Nikita: Bakit po "Aw" ang nickname nyo? (haha, parang aso noh? Sama ko! Haha..)
Aw: Di ko lam..
Nikita: Pero basta "Aw" po ang nickname nyo?
Aw: Oo.
Nikita: Ah, sige, thank you po!!!
Hahahaha! Grabe!!! Tawa talaga kami ng tawa! Baka lumaki ulo non! Tsk! Haha. JK! Buti hindi sya jerk. :P Iniistorbo pa namin, nag-aaral. Hehehe.
Haay.. ayun yun lang. Bored na kami after nun. Nagjackstone na lang kami. At nahiga sa floor. Tambayan namin yung sa 2nd yr and 4th yr entrance sa may mga lockers. Hehe. Saya-saya talaga. Hehehe. Yun muna. =)
No comments:
Post a Comment