Haay, dumating kami galing Baguio ng around 11:00am. Ayun, diretso ako ng computer. Then mga 2:30pm umalis kami papunta ng Tagaytay. Pero di na sumama daddy ko kasi pagod raw sya. Kahit ako naman pagod rin. :) Ka-text ko lang rin si syej, kagaya kagabi. Hehehe. Dinaanan muna namin sa commonwealth lola ko. Tas dumating na rin si Kuya Ian galing ng Tagaytay...
Dumating ata kami sa Tagaytay mga 5:30pm. Traffic. Madaming tao. Pumunta kami ng Viewsite pero umalis rin. Then pumunta kami ng Taal Vista. Picture picture. E ako naman, gutom. :P We ordered club sandwich and a carbonarra for me. They left me there while they took pictures outside. Kumain kasi kami sa Cafe-on-the-ridge. Matagal rin ako nag-antay ng pagkain. :( Pagbalik nila, wala pa rin yung pagkain.
Ayun umuwi na rin kami after ... LAMIG!!! Grabe. Mahangin sa labas! Hihihi. Paglabas, matraffic pa rin. Madaming papunta, maraming pabalik. Bumili kami ng mga prutas chaka ng Colette's Buko pie. :P Picture picture lang ako nung time na bumibili kami ng fruits. Nagpaiwan lang kasi ako sa sasakyan. Then I found a beautiful scenery that I decided to make it as my next skin. :) Yung mga pictures, madilim pero ok lang yan. :)
[Nice noh? Hehe. Lah lang..]
Tas pagdating namin sa bahay mga 8pm ata yun... nag-aya kuya ko na kumain sa labas. Kumain kami sa isang seafood restaurant. Nabusog nga ko e. Grabe ang sakit na ng likod ko nun. Dami naming pinuntahan. .. Mamaya, syempre, magsisimba kami.. :D Hehe.
Blog hopping nanaman ako. Marami akong nakitang blogs ng taga-OL. :P May blog si kuya lawrence, george, jesy, .... basta yun. Link ko na lang sila dito. :)
Kakatapos lang namin manood ni kuya ian at raymond ng "Into the sun"... di ko na gaano napanood kasi nga nagi-internet ako. :P
No comments:
Post a Comment