Hey guys. I'm here at Baguio City. We're staying at this hotel called Golden Pine. Di na nga ako nakapunta ng school kasi I thought na bukas pa ng madaling araw kami aalis. So yun. Pinabigay ko na lang clearance ko.
Mga around 3:00 ata yun nung nagpunta kami ng Burger Machine kasi sabi ni kuya Junjun, gutom daw sya. And I was about to go to that state too. Lol. So yun, inaya namin si kuya Amon na pumunta ng burger machine. It took a long time kasi nagra-Ragnarok pa sya. Then after ko kumain, nagbihis nako.
It was uhm, 4:00 I think nung umalis kami sa bahay. Di na ako natulog non e kasi naligo pa ko. Para ngang biglaan yung plan e. Ayun, nakatulog ako. Ginising ako ng kuya ko nasa Manaoag na kami. Nauna na sila dun hehehe. Di ko namalayan ang himbing pala ng tulog ko. :P Ayun, nagpabless kami ng rosary tas di ko na alam yung iba. Then after, we were on our way to Baguio.
We got here at around 10 whatever AM I think. Nung una, di pa namin alam saan kami pupunta pero sabi ni kuya Junjun park daw muna kami dun banda sa may Session Road. Tas pumunta muna kami ng Mommy ko sa Mercury Drug para bumili ng gamot. Then, nandun si Ate Ivory sa isang bookstore may binibili then sumama na si kuya Junjun sa kanya. Kasi may presentation si Ate Ivory sa isang hotel restaurant. Chef kasi sya kaya yun. Pumunta kami ng Grotto pagkatapos nun. Grabe medyo napagod ako kaka-akyat ng stairs. Tas kumain kami sa Kusina ni Ima, sa tabi ng Alberto's. Then after, natulog nako sa sasakyan. Wala lang, ikot-ikot lang kami dun. Ts ngayon nandito kami sa hotel. Nanood muna ako ng TV sa taas then tinanong ko sa Daddy ko kung may internet ba sa lobby. Nakita ko kasi kanina may computer chaka modem kaya yun. Ayun, sinamahan nya ko dito pababa. Astig nga kasi DSL pa. May free pang 1 hour. Hinihintay ko mag-online si JESY pero di pa nag-oonline yung babaeng yon. Hahaha. [Jesy, mag-online ka na kase!!! =p]
May pupuntahan pa ata kami mamaya. Di ko lang sure. Aalis kami mamayang mga 4 ng umaga. Pupunta ata kami ng Tagaytay bukas e. Yung kuya Ian ko naman nasa Tagaytay kasama gf nya. Rinegaluhan nya ng 6630 para sa anniv nila. Yihee. Ts yung phone nya yung HP Ipaq tas ako di man lang nya maregaluhan ng iPOD sa birthday ko?! Tsk tsk. Haha joke. Yun muna. :)
No comments:
Post a Comment