Wednesday, March 16, 2005

Operation.

In-operahan ako sa mata. ULIT. Both eyes. Masakit yung sa left eye pero hindi sya na-maga. Yung sa right eye, hindi masakit pero yun yung namaga. But, it's better na ngayon. Though I still have to take that medicine and hmm, put some cream sa eye for anti-inflammation. Ayun... so hindi ako papasok bukas(Wednesday).

Before that operation happened, let's get back to what happened at school ...

Pumunta ako ng school then I found Nancy and Mark sa 1st floor veranda. Nakalimutan ko na sinong nagtanong nito pero ito yung question, "Cha sasama ka ba sa SM?", then I was like, "Ha?!Pupunta tayo ng SM?!" Then Mark said, "Oo, bibili tayo ng gift para kay Ma'am Joy.." then I said, "Bat di ko alam?" ... Ayun, usap-usap pero sumama rin naman ako. Since gusto ko naman :D hihihi.

Pumunta muna kami sa bahay ni AM. Hehe, ang cute ni Mickey. :D tapos tinalian pa ni AM ng pig tails. hihihi. Ayun, medyo matagal kami sa bahay ni AM. Nagulat nga sya paglabas nya sa CR andun kami e. Kasi naka-towel lang sya. Hihihi.

SM North. Kasama sila Ryan, Mark, Nancy, Myca, and AM. Wait lang, pano nga pala kami nakapunta dun? Taxi ba? Ay oo. Tama. Hehehe. Tapos ayun, pagala-gala lang muna kami. Pumunta kami sa Cinderella. Kasi nga sabi ni Nancy, bibili sya ng swimsuit para sa birthday ni Ryan kasi nga swimming party yun. Pero di naman kami nakabili. Ang kukyut ng mga damit dun. Hehehe. Then, we decided na magpa-studio pic. Dun kami sa Kameraworld. Nung una, sa Great Image sana kaya lang sabi nila, "mahal dyan!". Oo nga naman. Hehehe. Ako nagsuggest na dun nalang sa Kameraworld. So yun. Lalagay ko dito yung picture next time. Tinatamad akong i-scan e. Hihihi. Pina-print namin yun ulit kasi kulang e. Ako nalang kumuha since malapit lang yung house namin sa SM. So nagpasundo nalang ako sa mommy ko hehe.

GIFT PARA KAY MA'AM JOY. Bumili kami ng gift sa Blue Magic. Yung binili naming card ang nakalagay sa harapan, "THIS IS YOUR LAST BIRTHDAY". Hahaha, ang sama namin. Yung malaking card yun e. Pero may pahabol naman sa loob, "For this year!". Hehehe. Tapos bumili kami ng frame na may drawing ng apat na tao then nakalagay dun, "God knows we're not perfect but we're perfectly LOVABLE!!!" Bagay na bagay! Pasaway kami at lagi namin syang ginagalit pero ok lang. Then yung parang wand na pang-reyna pero ang nakalagay sa tuktok ay isang Bear. hehehe. Aliw. Wala lang. Then may binili pa si AM na bag.

Ayun, nag-grocery pa mommy ko then naghintay ako sa French Baker. Inantok ako dun e. Inantay pa namin yung uncle ko kasi sya yung pinabayad dun sa Customer Service. Then drop by lang sa bahay sandali para magpalit ng damit then diretso na sa St. Luke's. Dun na ko inoperahan. Yun munaaaa.

*tinatype ko to ngayon March 18 @ 4:43 pm since di ako pwede magcomputer nung mismong day na inoperahan ang mata ko(duh :P)

No comments: