...Sa isang gabing hindi ko makalilimutan. March 17, 2005 @ 2pm-7pm ... one of my cherished moments in my HS life.
Naks naman. Belated Happy Birthday Ryan! Maraming Salamat.
What happened..
Dun muna kami sa may stairs malapit sa Sincerity classroom, tabi ng Fortitude. Kasi nga kakatapos lang ng Farewell Party namin at Surprise Bday Celebration para kay Ma'am Joy. Maraming food. Konti lang ang tao. Pero okay na rin. Grabe, isang Yellow Cab pizza pa lang nakakakain ko busog na ko! Hehehe, ayun then binigay namin yung gift namin sa kanya. :) May medal pa pala kaming binili. Galing rin sa Blue Magic. Hehe. I forgot anong nakalagay dun.
Then, may binigay rin pala kaming medal kay Ms. Adah. Syempre, di naman makakalimutan si Ms. Adah. 1st year adviser ng Prudence. And dahil sobrang napamahal samin ang section na to at si Ms. Adah, binigyan namin ng medal. Syempre, special e. Hehe.
Nag-antay pa kami ng matagal pero ayun, nakarating rin kami sa pupuntahan. Sa Tivoli Royale kami pumunta. Nakakatuwa yung daddy ni Ryan. Hihi. Grabe nabusog ako. Naka-2 rounds ako tapos naka-3 rounds si Aiji at Mima sa kainan. Nagbowling rin kami. Yung iba nag-billiards. Then, swimming na. Ang nagswimming na babae si Mima at Aiji lang. Anyway, yung mga andun na 2nd years: Ako, Myca, Nancy, Tracy, Eins, Nelson, Kevin Rodwell, Annama, Mima, Aiji, Mark, and syempre si Ryan(sya ang may birthday e hehe). Ang mga 3rd years: Rene(bro ni Ryan), Zeus and Chi. Mga 4th years: Paredes, Lester, Lestine ... sino pa ba? Nakalimutan ko na e. Tapos andun din si Hajj. Karamihan Taekwando team yung higher batch. So yun.
Playground. Naglaro kami sa playground dun. Wala lang, aliw. Bumabalik kami sa aming childhood days. Haha.
Tagay. Umorder ng tatlong San Mig Light. Akala ko nagbibiro lang, hindi pala. Haha. Si Aiji naunang uminom. Sip lang. Then sunod ako pero konti lang talaga. Dalawang sips yun na konti lang. Then si Francel. Tapos maya-maya, tumahimik kami. Tapos sabi ni Mima, "ano lasing na ba kayo?" Tawanan kami. HINDI NOH!!! Then uminom rin sya. Then dinala namin yung San Mig light sa may playground .. uminom si AM. Grabe, sya ata pinakamaraming ininom eh. Isang bote. Grabe, mga model students pa naman! mga nasa honors! haha. Tsk tsk.
Masaya naman eh. Mahaba ang kwento pero nakakatamad na magtype. Tambay lang sa may playground, kwentuhan. Pasaway.
Ok lang, konting tikim lang ng kalayaan. Isang gabi lang naman. (naks!)
No comments:
Post a Comment